Azi's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Inilibot ang ang paningin sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko. Napansin kong nakatali ako sa isang poste na nasa gitna ng abandonadong kwarto. Nakita ko sa katabi ko si Era na walang malay at nakagapos din kagaya ko.
Napansin ko naman na may dalawang upuan na kung saan nakagapos doon si Mica at Marsie at may busal sa bibig nila. Natutulog sila.
Sinubukan kong gamitin ang lakas ko para makawala sa pagkakagapos pero bigla akong nakuryente. Para akong tumakbo ng malayo sa hingal dahil sa pagkakakuryente ko.
"Hindi uubra yang kakayahan mo." bigla akong napatingin sa nagsalita.
Nasa may madilim siyang parte ng kwarto dahil mismong sa amin lang naman nakatutok ang ilaw. Nang unti unti siyang humakbang papunta sa liwanag ay agad nagigting ang panga ko ng makilala kung sino siya.
May ngisi sa labi niya at nakatingin sa akin. Ibang iba si Prince sa nakikita ko ngayon. Napansin ko namang nakatungo si Scar at hindi makatingin sa akin.
"Made detect ng posteng iyan kung may kakayahan ang isang nilalang nakagapos diyan at kapag nadetect niya yun at nagtakang gamitin ay kaagad na kakalat ang kuryente sa poste at charannn makukuryente ang sino mang nakagapos." bumungisngis pa siya kaya napikon ako.
"Walang hiya ka! Traydor!" sigaw ko sa kaniya at nagpupumiglas pero agad akong nakuryente.
"Poor Aztral, masiyadong mahina yang kokote mo pagdating sa ganito." umiling iling pa siya na akala mo'y disappointed pa sa akin.
"Paano mo nagawa to sa akin!? Akala ko ba kapatid kita!?" nasasaktan kong tanong sa kaniya.
"Hindi lng kita basta kapatid, kakambal pa kita fraternal twins to be exact." sagot niya kaya nagulat ako don.
"B-bakit? Bakit Prince?" bumagsak ang balikat kong tanong sa kaniya.
"Stop calling me Prince! Nakakairita ang pangalan na yan!" nagulat ako ng tumaas ang boses niya.
"Bakit mo ako nagawang traydorin?" nasasaktan ko paring tanong.
"Simple lang, ayokong ikaw ang umalalay sa amang hari para maging susunod na hari ng ating lahi! Dapat ako iyon! Ako ang may karapatan don! Dahil ako ang kasama niya sa matagal na panahon! Ako at hindi ikaw!" napaka talim ng tingin niya sa akin.
"Hindi ko nmn hinangad na maging hari!" sagot ko sa kaniya.
"Kahit hindi mo hangarin ay ikaw parin ang hahalili sa hari dahil ikaw ang mas matanda sa akin!" nanggagalaiti niyang sigaw.
"Prince–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya iyon.
"Stop calling me in that name!" sigaw niya na nakapag patahimik sa akin "I'm Eztral pero dito ang tawag sa akin ay BM." nagpakilala siya.
"Eztral..." nabanggit ko ang pangalan niya. Napangiti ako ng mapagtanto na katunog iyon ng tunay kong pangalan, kakambal ko nga siya.
"Nginingiti mo diyan? Baliw ka na?" nakangiwing tanong ni Eztral sa akin.
"Magkatunog kase ang pangalan natin." may maliit na ngiti sa aking labi.
"Kambal nga eh, ang bobo mo din eh." nakangiwi niyang sagot.
"Oo parang ikaw, pero to the highest point yung kabobohan mo." bigla akong napatingin kay Era ng magsalita siya, nakataas ang isang kilay.
"Brother–to–brother talk to wag ka makisali." ingos naman sa kaniya ni Eztral.

BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...