Aztral's POV
"Paano yan, eh madaming kasapi si Eztral hindi natin sila kakayaning tatlo." sabi ni Kleyries.
Nandito kami ngayon sa labas ng bahay namin dito sa may garden. Nag uusap usap kaming tatlo tungkol sa darating na pagkikita namin ni Eztral.
Nagsisimula na din i-train ni Era si Kleyries para na rin makalaban siya ng pisikalan. Binigyan din si Kleyries nang magagamit para na rin makalaban siya sa maaaring sumugod sa kaniya mula sa malayo.
"Nandiyan pa ang mga diwata." sagot naman ni Era.
"Pero kulang parin sa dami ng alagad ng chaka na yon!" nakangiwing sabi ni Kleyries.
"Meron pa tayong mga kakampi." sumabat ako sa usapan nila at napatingin naman sila sa akin.
"Meron pa? Sino?" tanong no Era sa akin.
Tumayo ako at ilang saglit pa ay mabilis na nakabuo ako ng clones mga apat na clones ang nabuo ko ay iba iba ang mga emosyon na nasa mukha nila para silang mga totoong tao.
Nakita ko namang napanganga si Kleyries ay nakangisi naman si Era na mabilis na nakabawi sa pagkagulat.
"Woah, kaya mo yannn?" galak na galak na sabi ni Kleyries na napapalakpak pa sabay tayo at lumapit sa isa sa mga clones ko "Hi!" bati niya dito at tinapunan lng siya ng tingin nito at hindi pinansin "Sungit nito ah!" maktol ni Kleyries na ikinatawa ng isa sa mga clones ko.
"Hi! Hayaan mo yan masungit lng talaga yan! Btw I'm Aztral." malapad ang ngiti na sabi ng clone ko habang nakalahad ang kamay na agad namang tinanggap ni Kleyries.
"Buti ka pa namamansin di katulad ni parang may mens makapang-ignore." inungusan pa ni Kleyries yung masungit na clone ko na masama naman ang tingin sa kaniya.
"Pake mo?" sabat nito.
"He! Don't talk to me, i'm famous ang mga famous hindi kinakausap ng masusungit!" nag-flip hair pa si Kleyries.
"Wala ka ngang followers sa fb tapos hindi pa umabot ng sa 100 followers mo sa IG!" buwelta naman nung clone ko.
"Aba't sabihin mo lng kung gusto mo ng away ha! Lika dito ready ako! Likaaa! Lapitt!" inilihis pa ni Kleyries yung manggas ng damit niya at umamba na nagbo-boxing.
"Okay fine." isang kurap lang ay nagbago ang itsura ng clone ko, itsura ko nung napunta sa akin yung crystal.
"Hehe joke lang ano ka ba! Wow mali! Ayan yun camera oh! Na-good time ka no!" biglang bawi ni Kleyries at parang bata na nagmamadaling pumunta sa likuran ko na ikinatawa ng mga clones ko pati narin ako at si Era maliban sa kasagutan niyang clone ko.
"You're funny and cute!" sabat naman nung nagpakilala kanina kay Kleyries.
"Hala ano ba! Weg ke ngeng genyen!" naglagay pa ng ilang hibla ng buhok si Kleyries sa likod ng tenga niya.
"Tama na nga yang landi Kleyries." natatawang saway ni Era bago tumingin sa apat na clone ko "By the way kailangan may palatandaan kami sa inyo kung sino kayo, like nicknames ganon." suhestiyon naman ni Era na sinangayunan namin.
"Ako una! Nickname ko ay Azer!" nag taas pa ng kamay yung jolly sa apat na clones ko.
"Nickname ko naman ay Azi." seryosong sabi naman nung nakasagutan ni Kleyries na bumalik sa normal na itsura.
"Nickname ko naman ay Azra." nakangiti sabi naman nung isa.
"Azair here!" maangas na nagtaas ng kamay yung huli.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
