Eztral's POV
Matagal na panahon na ang lumipas ng mangyari ang labanan namin ng kakambal ko. Marami ang namatay at nadamay ng dahil sa kagagawan ko.
Ngayon namumuhay na ako sa siyudad ng parang normal at hindi ginagamit ang kapangyarihan ko.
Lumabas ako ng kwarto at nadatnan ang nag iisa kong anak na lalaki na naglalaro sa salas ng bahay namin.
"Hi, Azreal!" tawag ko sa anak ko at masaya itong lumapit sa akin.
"Daddy!" lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Si mommy?" tanong ko dito at tinuro naman niya ang labas ng bahay.
"Sige, punta muna ako kay mommy mo ha?" paalam ko at tumango naman ito at bumalik sa paglalaro.
Lumabas ako ng bahay at nakita ang asawa ko na nagdidilig ng halaman. Masaya ito habang nagdidilig ng halaman at kinakausap nito iyon.
Lumapit ako dito at niyakap siya mula sa likuran. Ramdam ko ang pagkagulat sa kaniya.
"Prince ano ka ba! Wag ka nga manggulat!" pinalo pa ni Scar ang kamay kong nakayakap sa bewang niya.
Humarap ito sa akin habang nakayakap parin ako sa beywang niya. Matagal kami nagkatitigan habang nakayakap parin ako sa kaniya.
"Alam mo..." ani Scar.
"What?" taas ang dalawang kilay kong tanong sa kaniya.
"Ang libog mo talaga! Ramdam na ramdam ko yang bukol mo sa harapan." pagtataray ni Scar at natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nito.
"Hindi ka na nasanay sa akin–" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sapuin ng kamay ni Scar ang pagkalalaki ko.
"Tara?" nang aakit na tanong ni Scar habang hinihimas ang tigas na tigas kong pagkalalaki at napakagat naman ako sa ibabang labi ko.
Sasagot na sana ako ng may magsalita sa tabi namin.
"Mamaya na yan, ang hilig niyong dalawa." ani Azi, ang clone ng kakambal ko.
"Ano bang kailangan mo at nandito ka na naman ha?" irita kong tanong dito.
"Hmm wala lang, dalawin ko lng pamangkin ko bakit masama?" sagot ni Azi kaya napaikot ang mata ko.
"Ako din dadalaw!" sabat ni Azer na kakapasok lang ng gate na sinundan ni Azair at Azra.
"Nandon sa sala! Puntahan niyo dun bilis!" pagpapaalis ko at natatawa naman silang umalis.
Humarap ako ulit kay Scar at kinindat siya. Hinapit ko papalapit sa akin si Scar at hahalikan na sana ng may magsalita na naman sa tabi namin.
"Mamaya na yan." usal ng kung sino.
"Ano na naman–" napatigil ako ng pagsasalita ng makita kong nakangiti sa akin si Aztral.
"Aztral!" agad akong lumapit sa kakambal ko at naiiyak na yumakap dito.
"Ohh haha wag ka ngang umiyak para naman akong namatay neto." natatawang sabi ni Aztral habang hinihimas ang likuran ko.
"Sorry..." maikli kong usal.
"Shh ilang taon na ang nakalipas doon at hindi nmn ako nagtanim ng galit sa iyo." nakangiting sabi ni Aztral sa akin pagkakalas namin sa yakap.
"Bakit ang tagal niyo sa ibang bansa ha? Doon na ba kayo tumira ni Aqua? Ha?" parang bata kong tanong na ikinatawa niya.
"Ito naman, syempre kailangan namin mapagamot ang anak ko hindi naman sapat ang kagamitan dito sa pinas para sa sakin ng pamangkin mo diba?" ginulo pa ni Aztral ang buhok ko.
"Alam ko naman yun kaso lang bakit ang tagal?" pagmamaktol ko pa.
"Hoy, Eztral! Para kang bata diyan! Hindi lang sulitin ang time na kadadating lang nang kapatid niya puro pa to si maktol batukan kiat diyan eh– nasan nga pala si Aqua?" sabat ni Scar kaya napakamot ako sa ulo.
"Papunta na dito hinahanda lang yung cookies na ginawa niya kanina kasama si Sariel at gustong gusto na agad makapunta dito pagkadating namin ng airport at gustong gusto na makita si Azreal." sagot ni Aztral kay Scar.
"Ahh sige pasok na muna ako sa loob at maghahanda din ako ng merienda para dun sa apat." paalam ni Scar at tinanguan na lang namin siya.
Natawa bigla si Aztral ng bigla na naman akong yumakap sa kaniya.
"Grabe, miss na miss?" natatawang usal ni Aztral.
"Hayaan mo ako! Sapakin kita eh!" mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kakambal ko.
"Aww nagiging baby na naman ang kakambal ko, halika at ipagtitimpla kita ng gatas mo." natatawang asar ni Aztral sakin kaya agad akong kumalas sa yakap at seryosong tumingin sa kaniya.
"Edi wag, napaka arte mo!" pagsusungit ko at natawa naman lalo si Aztral at hinila ako palapit sa kaniya para yakapin ako.
"Eto naman nagtampo agad, ang laki na ng anak mo pero parang mas bata ka pa sa kaniya." aalis na sana ako ng higpitan ni Aztral ang yakap saken "Joke lang ito naman, alam mo pwede mo akong yakapin kahit maghapon pa yan kase ngayon na lang ulit kita nakasama eh, saka miss na miss ko itong kakambal kong to!" nanggigil pang pinisil ang pisngi ko na agad ko namang tinabig ang kamay niya.
"Walanjo naman pati ba naman pisngi ko kapag miss yakap lang walang pisilan ng pisngi kasasakit eh!" natawa siya sa sinabi ko at niyakap ulit ako.
Naikuwento sa akin ng aming ama ang sumunod na nangyari ng tumama ang espada sa dibdib ni Aztral. Dahil daw na nabawi ni Aztral ang kapangyarihan niya mula sakin ay bigla na lamang nalusaw ang espadang nakatarak sa dibdib ni Aztral at naghilom ito.
Sa kadahilanang napagod si Aztral ay diretso na itong nakatulog. Madali lang din naman ang naging paggaling niya dahil parehas na pinagtuunan ni Hasley at Azra ang pagpapagaling sa kakambal ko.
Walang may galit sa akin noon ngunit dahil sa kinsensya ko nagkulong ako ng ilang buwan sa kaharian na ginawa ko noon. Pinupuntahan ako ni Scar doon kahit na pinagtatabuyan ko siya ay hindi niya pinansin iyon.
Hindi rin nagtagal ay napilit ako ni Scar na umalis sa kaharian na ginawa ko upang makasama ko ang pamilya ko. Sinabi rin ni Scar na napatawad na daw ako ng kakambal ko kaya sa loob ng pagkukulong ko sa kaharian na ginawa ko ay pinapatawad ko ang sarili ko.
Bago kami umalis ni Scar ay sinira ko ang kaharian na ginawa ko at may ngiti sa labi na umalis at magsimulang muli kasama ng pamilya ko at ang babaeng mahal ko.
~END~

BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...