CHAPTER 6: Thankful

50 3 0
                                        

Azi's POV

Nag-aagahan kami at nandito ulit sila Mommy hindi sila maaga pumasok sa office dahil wala naman daw importanteng gagawin, sila kase ang may ari ng pagawaan ng sikat na brand ng mga appliances dito sa pilipinas.

Maging sa ibang bansa ay kilala ang brand ng mga appliances ng kumpaniya ng pamilya namin.

"Kumusta school Azi?" biglang tanong ni Dad.

"Maayos naman po Dad, medyo busy rin po ngayon." sagot ko, tumango naman siya.

Tinanong din niya yung mga kapatid ko, kaya nagpatuloy na din ako sa pagkain. Pagkatapos ko kumain ay hihintayin ko sana sila Tricia para ihatid sa mga school nila pero sabi ni Dad sila na daw maghahatid.

Nakarating ako sa University at sumalubong naman agad sa akin yung dalawa at hyper na hyper. iniisip ko bakit ako naging kaibigan nitong dalawang to eh ibang iba ako sa kanila.

"What's with you two?" kapagkuwan ay tanong ko dahil naiibahan ako sa kanila ngayon, masyado silang hyper ngayon.

"Huh? Bakit?" tanong ni Scar.

"Bakit ang hyper niyo ngayong dalawa?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanila.

"Narinig ko kase sa ibang mga students na magkakaroon daw tayo ng 'Plant trees for Mother Earth mission'!!!!" may hand gesture pa sa hangin na sabi ni Scar, napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong meron don?" tanong ko.

"Ano ka ba!" pinalo pa ako ni Scar sa braso "Magtatanim malamang! Ewan ko lng kung saang lugar but, i'm sure na dito lng yun sa Laguna. Boluntaryo naman yon! Dahil sa alam naming hindi ka sasama at ang KJ KJ mo kase!!! Kami na lng magpapapirma ng waver kila tita!" ngiting ngiti niyang sabi.

"What!?" irita kong tanong "Ayoko sa mga genyan!" tanggi ko.

"Bud..." umakbay sa akin si Prince "Sumama ka na, minsan lang to oh!" pagpipilit ni Prince.

"Ayoko nga!" may diin sa boses ko.

"Sige ka! Magtatampo ako!" inalis pa ni Prince pagkakakbay sa akin at tumalikod sa akin habang nakanguso ang labi.

"Ako din!" nag-crossed arm pa si Scar at nag-pout din.

Ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganitong activities ng school. Kaya lng naman ako nakakasama sa ibang activities gawa nitong dalawang to! Gaya na lng ngayon, tingnan mo ang inaasal, iyan ang weakness ko eh! Napabuntong hininga na lng ako.

"Wag ka ngang gumenyan Prince di bagay sayo!" gulo ko sa buhok ni Prince "Ikaw naman mukha kang pato diyan!" baling ko kay Scar "Oo na sasama na ako!" sabi ko at nagliwanag naman ang mukha ng dalawa at ngumiti ng nakakaloko.

"YieeeEeeEe! Di kami matiis!" sinundot pa ni Prince yung tagiliran ko pero wala naman epekto.

"Sasama ka na talaga?" tanong naman ni Scar.

"Uulitin ko pa ba? Baka mag bago isip ko na niy–" hindi natapos ang sasabihin ko ng takpan ni Prince ang bibig ko gamit ang kamay niya habang nakakbay sa akin.

"Hehe eto naman, tara na nga Scarlet Jade pasok na tayo baka ma-late pa tayo!" aya ni Prince kay Scar.

"Kailangan talaga tawagin sa buong name, Prince Maxwell ha?" namey-awang pa siya sa harap namin.

"Sorna! Sorna!" natatawang sabi ni Prince, tinanggal ko naman yung kamay niya sa bibig ko saka natawang ginulo yung buhok niya.

"Para kayong mga bata!" natatawa kong sabi saka naunang naglakad sa kanila.

***

"Miss Natalia ano ano pa po ba ang gagawin don?" ang tinutukoy ng kaklase ko ay yung mission nga.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon