CHAPTER 8: Real Identity

39 3 0
                                        

Azi's POV

Alas tres na ng hapon kami natapos magpulot at maglinis na din, kaya nandito kami ulit sa ilalim ng malaling puno at nakain ng meryenda.

"Saan tayo dito magtatayo ng Tent?" tanong ni Scar.

"Dito na lng din patag naman ang lupa dito sa kinatatayuan natin." sagot ni Era.

"Malaki naman siguro yung tent na ibibigay ng school kakasiya naman yata tayo dun." sabi ni Scar.

"No need, may dala akong malaking tent dalawa yun nasa kotse." sabi ko sa kanila.

"Aba handang handa ah! Di ka naman excited niyan diba?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Hindi ah! Handa lng." tanggi ko.

Nang malapit nang magdilim ay hinanda na namin yung tent, kaming dalawa ni Prince ang nagtatayo ng tent at sila Scar at Era naman ng nagpapa apoy ng mga inipon naming kahoy.

Alam naman ng teacher namin na may dala kaming tent kaya ibinigay na lng sa iba. Nang maitayo na namin ang tent ay humarap kami sa bondfire na ginawa nila Scar at kumain kami.

Napatingin ako sa kabilang tent nakita kong nakain yung isa naming kaklase pero tanging biscuit lng ang kinakain. Kinuha ko yung nasa bag kong isang lunch box na may lamang kanin at ulam saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Prince.

"Diyan lng." sagot ko.

Lumapit ako kay Khyla at ini abot sa kaniya yung baunan na hawak ko. Napatingin siya sa akin at dun sa hawak ko.

"A-ano yan?" tanong niya.

"Pagkain, hindi nmn pwedeng biscuit lng ang kakainin mo ngayon gabi pa naman." sabi ko at tinanggap naman niya ang binibigay ko.

"Salamat." nakangiti niyang sabi at tumango naman ako.

"Hindi ka ba nakabili kanina ng pagkain?" tanong ko.

"Hindi eh naubos na yung tinda dun." tukoy niya sa kainan na nakita namin kanina.

"Ahh sige balik na ako dun ah." paalam ko sa kaniya.

"Sige, salamat ulit." nakangiti niyang sabi at nginitian ko siya bago bumalik sa kasama ko.

"Wow naman! Yormeee! Bait ahh!" agad na bungad ni Scar at Prince duet pa yung dalawa.

"Hindi naman, sadyang di lng talaga pwede yung ganon tsaka sobra naman yung pinabaon ni Mommy." sagot ko pagkaupo.

Nang matapos na kaming kumain nagpasukan na kami sa tent, kasama ko dito sa isang tent si Prince at sa kabila naman si Era at Scar.

Nakahiga lng ako at nakatingin sa taas ng tent kase di pa ako inaantok. Si Prince naglalaro lng sa cellphone niya habang nakasalpak ang earphone para daw hindi makaistorbo sa iba.

"Azi." nakaupos na pala si Prince at nakatingin sa akin.

"Hmm?" tanong ko at tumingin sa kaniya habang nakahiga.

"Do you want to know a secret from me?" tanong niya at seryosong seryoso siya kaya nakuha niya ang atensyon ko kaya napabangon ako at umupo sa harapan niya.

"Ano yun?" tanong ko.

Nakita ko na nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya mukhang natauhan na magsasabi siya ng isang sikreto.

"Uhm..." naging mailap ang tingin niya.

"Sabihin mo na." sabi ko sa kaniya.

Yumuko naman siya napakunot ang noo ko, dahil di ko alam ang ginagawa niya. Maya maya itinaas niya ang mukha niya pero nakapikit mas lalong nangunot ang noo ko sa ginagawa niya.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon