Azi's POVNaglalakad-lakad ako ngayon dahil nabo-bored ako sa bahay hindi ko kasama sila Prince dahil may ginagawa siya, si Scar naman maagang natulog magb-beauty rest daw siya.
Naglalakad ako ngayon sa tabing kalsada, nakasuot ng itim na hoodie at nakamask na itim, naka ripped jeans at itim na sapatos. Habang naglalakad ay may naramdaman akong sumusunod sa akin, binilisan ko ang lakad at ng may makita akong mapagtataguan agad akong pumunta don.
Nakita ko si Prince at Scar na hinahanap ako, sila lang pala. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at tumayo lng sa likuran nila.
"Ang bilis naman nawala nun?" kakamot kamot sa ulo si Prince habang palinga linga.
"Malamang! Alam mo naman ang speed non!" pagsagot naman ni Scar.
"Hayaan mo na nga yo-ahh!" nagulat sila ng makita nila akong nakatayo sa likuran nila.
"Jusko po! Aatakihin ako sa puso sa gulat!" nakahawak pa sa dibdib niya si Scar.
"Bakit niyo ba kase ako sinusundan akala ko busy ka Prince at ikaw natutulog na?" tanong ko sa kanila pagkatapos ibaba yung face mask.
"Joke joke lng yun no! Bored din kami" sagot naman ni Scar.
Hindi na ako sumagot at inaya na lng sila sa 7/11, bumili kami ng cup noodles at inumin. Habang nakain kami ay may mga pumasok na kababaihan at naagaw ng atensyon ko si Era kasama niya siguro mga kaibigan niya.
"Era!" tawag ni Scar at agad naman lumingon sa amin si Era, nagtama ang tingin namin kaya ako na lng agad ang umiwas.
"Hi!" bati niya sa amin.
"Friends mo?" tanong ni Scar dun sa mga kasama ni Era.
"Ahh yes, ito nga pala si Niana and Danica girls mga classmate ko." pagpapakilala ni Era sa mga kaibigan niya.
"Ah ako si Scar, siya si Prince at siya si Azi." pakilala naman ni Scar sa amin tumango lng ako at si Prince naman ay ngumiti.
Inilahad naman nung Danica sa akin yung kamay niya pero tiningnan ko lng iyun.
"Ahh hi!" si Prince ang umabot ng kamay niya "Meron yan ngayon kaya ganan!" sabi ni Prince kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nagpaalam naman agad sila Era sa amin bago pumili ng kakainin nila. Nagkakatinginan parin kami ni Era kahit nasa kabila silang table.
Nang matapos kaming kumain agad naman kaming umalis. Naglalakad kami pauwi nang may biglang humarang sa amin na limang mga lalaki. Mga nakaitim sila at may mga hawak na balisong.
"Mga bata, may pera ba tayo diyan? Baka naman share share, share your blessings ika nga masama ang madamot magagalit si Lord!" sabi nung parang leader nila.
"Aba ano ka sinu-swerte!? Saka dinamay mo pa si Lord nako! Kuya umalis ka na lng sa daan namin!" pagtataray naman ni Scar.
"Mataray ka bata ah! Maganda ka pa naman" sabi naman nung nasa kanan nung leader nila.
"Oh yes! Of course ito naman si Kuya alam kong matagal na akong maganda since birth!" may pagmamalaki sa boses ni Scar.
"Ah mga boss baka pwede niyo na kami paalisin, wala po kaming pera eh." Sabi naman ni Prince.
"Bigyan niyo muna kami ng pera!" maangas na usal nung leader nila.
"Aba sabing wala ngang pera! Kulit niyo ah!" nameywang pa si Scar.
"Kung ayaw niyo mamigay pu-pwersahin Na lng namin kayo!" sumugod sa amin yung mga lalaki.
Agad ko namang tinabig sila papuntang tabi. Akmang sasaksakin ako nung leader nila pero agad ko namang naiwasan iyun, hinawakan ko yung kamay niyang may hawak na balisong sabay suntok sa tiyan niya.

BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...