CHAPTER 10: Pain

26 3 0
                                        

3rd person's POV

"Hindi mo nmn sinabi na malakas pala iyang si Aztral." Mahinang usal ni Kiro habang nakahiga at iniinda ang sakit ng katawan dulot ng pakikipaglaban nila kay Azi. Siya na lamang ang nakaligtas ng buhay pagkatapos siyang patakasin ni Azi.

"Malay ko ba na ganon kalakas ang isang iyon." ani ng kausap ni Kiro na nagtatagis ang bagang dahil sa sobrang galit.

"Kahit ako na kilala bilang pinakamalakas sa mga alagad ng hari ay hindi kayang higitan ang lakas niya." may pagtataka sa boses ni Kiro.

"Aalamin ko kung bakit ganoon na lamang kalakas ang isang iyon." matalim ang tingin na sabi ng kausap ni Kiro.

"BM!" tawag ni Kiro sa kausap at tumigil ito sa paglabas at humarap sa kaniya.

"May kailangan ka pa?" tanong niya rito.

"Saan ka pupunta." tanong ni Kiro.

"None of your business." walang emosyon na sagot nito at nagpatuloy sa paglabas ng bahay ni Kiro.

Dinalaw lng ni BM ang alagad ng hari na inutusan niya upang patayin si Aztral o mas kilala bilang Azi. Hindi ito alam ng hari ng mga Apwak dahil siya lamang ang may kagustuhan na mawala ito sa landas niya.

Pinuntahan niya ang matandang nagsabi ng hinaharap ni Azi, pagkaharap niya rito ay walang bakas ng takot ang matandang nakatingin sa kaniya.

"Ngayon na..." sabi ng matanda sa mahinang boses "Ngayon na lalabas ang isa pa niyang katangian." pagkasabi ng matandang iyon ay biglang nagputi ang mata nito. Kumunot ang noo niya sa sinasabi nitong isa pang katangian.

"Sino ho ang tinutukoy ninyo?" kahit papaano ay may pag galang parin siya sa nakatatanda sa kaniya, tumingin ang matanda sa kaniya kahit na puti lamang ang mga mata nito.

"Si Aztral." pagkasabi niyon ay nanlaki ang mata niya, isa pang katangian? Tanong niya sa isip.

Lumabas si BM ng bahay ng matanda na naguguluhan sa sinabi nitong isa pang katangian. Naglakad siya papunta sa sasakyan niya. Kailangan niya malaman kung anong katangian ang lalabas.

Tiningnan niya ang orasang pang bisig at alas kuwatro na ng hapon, malapit na mag gabi. Pumasok sa isip niya na full moon mamaya kaya siguro ngayon lalabas ang isa pang katangian ni Azi.

Azi's POV

Nandito kami sa Café ni Paul at dito kami nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape at kumakain ng cake. Kaming dalawa lng ni Era ang nagbabasa dahil si Prince at Scar ay nakiki-internet dahil free wifi itong café.

Kanina pa natapos yung klase mga bandang alas tres. kahapon kami nakabalik galing mission agad kaming pina-uwi ng mga teacher dahil siguradong napagod daw kami at pinagpasalamat iyon ng maraming estudyante.

Pagka-uwi naman ay hindi agad ako nakapag pahinga dahil iniisip ko parin yung naging laban namin ng kapwa apwak ko nung isang gabi. Napatay ko ang natitirang dalawang alagad ni Kiro at si Kiro ay pinatakas ko na lng dahil kita sa kaniya ang pang hihina. Wala naman na siyang laban sa amin.

"Ah!" napahiyaw ako ng kaunti ng tapikin ni Prince ang likod ko.

"Oh hindi parin ba magaling?" tanong niya na may pag aalala sa mukha.

"Hindi parin eh, uminom na ako ng pain reliever pero walang epekto. Siguro ipapahinga ko na lng ito." sagot ko at tumango namn siya bago nagpatuloy sa pagiinternet.

Sumakit itong likod ko nung matapos kaming makipaglaban ng gabing iyon. Na hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit masakit parin. Napabuntong hininga ako bago ibaba ang librong binabasa ko at uminom sa kape ko.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon