Azi's POV
Ilang araw na ang nakalipas ng ilibing si Mommy, si Mica na hanggang ngayon ay umiiyak at si Daddy nmn ay nagpatuloy sa trabaho niya kahit nakikita kong hindi pa okay si Daddy ay nagta trabaho parin siya para umusad parin yung kumpanya namin.
Ako naman ay nagpatuloy lng sa pag aaral itong gusto ni Mommy ang makapag tapos kaming lahat ng pag aaral.
Nandito ako ngayon sa room namin habang nakikinig sa prof namin sa unahan. Itong dalawa namang katabi ko ay di matigil sa pagbubulungan at minsan ay isina sali pa kami ni Era sa usapan nila.
Nang tumunog ang bell na senyales na lunch time na ay agad na tinapos ng prof namin ang sinasabi niya at umalis na. Nag ayos naman ako ng gamit bago humarap sa kanila na nag uusap parin.
"Ano ba yang pinag uusapan niyo?" tanong ko sa kanila.
"Wala ka na don!" sabi ni Scar na parang irita pa kaya napamaang ako.
"A-ahh..." hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ay hala sorry! Azi! Ikaw pala yan! Sorry sorry!" parang bata na nanghihingi ng sorry sa akin si Scar.
"Ayos lang." sabi ko at humarap kay Era "Tara lunch na tayo?" tanong ko kay Era at tumango naman siya.
Naglakad kami parehas at iniwan yung dalawa na nagsisisihan. Ayos lang naman sa akin yun. Nagpunta kami sa dati pa naming kinakainan nila Era at nakasunod naman yung dalawa na ang itsura ay parang mga bata na hindi naibili ng lollipop.
Umupo na kami paikot, dito kami pumwesto sa hindi mainit may inilagay kase kami ditong tarpaulin para gawing bubong. Inilabas na namin yung mga baon namin at nagsimula nang kumain.
Napatingin ako kay Scar at Prince na parang pilit ang kain. Nakayuko si Prince habang dahan dahang nagsusubo, si Scar naman ay pasimpleng tumitingin pa sa akin.
"Anong problema niyo?" tanong ko sa kanila.
"Wala..." sabay na sabi nung dalawa.
"Look, kung yung dahilan ay yung sinabi mo sa akin Scar ay wala naman kaso sa akin yun." sabi ko at nagkatinginan naman yung dalawa.
"Sorry." mahinang sabi ni Scar kaya napabuntong hininga ako.
"Don't say sorry, it's nothing." pangungumbinsi ko sa kanila.
Nagulat naman ako ng nagiyak iyakan yung dalawa na parang mga bata at lumapit sa akin para yakapin ako. Napatingin ako kay Era na natatawa at nagkibit balikat na lng siya. Niyakap ko na lng yung dalawa.
"Baka pwede nang bumitaw? Kakain pa ako oh!" sarkastiko kong tanong at natatawa namang kumawala yunh dalawa sa pagkakayakap at nagpatuloy kaming kumain.
Nang matapos kaming kumain ay bumaba na kami ng room namin at doon na lng naghintay sa susunod na prof. Inilabas ko yung phone ko para magsocial media. Binuksan ko yung facebook ko, madaming friend request, marami ring messages at notifs.
Hindi na ako nag abala na buksan isa sa mga don nagscroll na lng ako sa newsfeed hanggang sa mapatigil ako sa isang post na may picture na isang nilalang na nasa puno mayroon itong pakpak.
Napakunot ang noo ko ng ma-realize na katulad ng suot kong pants yung nasa picture at agad akong nagulat ng makumpirmang ako iyon noong tinuruan akong lumipad ni Scar pero paanong may nakakuha ng litrato sa akin. Mabuti na lamang ay medyo madilim doon at hindi kita ang mukha ko. Marami na itong reacts, comments and shares.
"Oh my god, nakita mo na to?" tanong ni Era at pinakita sa akin yung screen ng phone niya yung post na kagaya ng nakita ko, tumango ako at pinakita yung screen ng phone ko at napatakip naman siya sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
