CHAPTER 18: Necklace

21 2 0
                                        



Azi's POV

Nakatulala ako ngayon sa kawalan habang nakaupo dito sa may terrace ng kwarto ko. Naibalik ko na din sa bahay sila Mica at Marsie. Hindi naman daw sila sinaktan kaya napalagay ang loob ko.

Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari yun. Bigla na lng nawala si Eztral at walang paramdam at iyun ang ikinakaba namin nila Era at Kleyries ang katahimikan niya hindi namin alam kung kailan siya aatake.

Nagpaliwanag naman na sa akin si Kleyries at paulit ulit na humihingi ng sorry pero wala naman sa akin iyon dahil biktima lang naman siya ng kasakiman ni Eztral.

"Aztral! Aztral!" nananakbo si Kleyries at Era papunta sa akin at may hawak pang libro si Kleyries.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanila.

"Tingnan mo ito!" pinakita sa akin ni Kleyries ang libro na may larawang kwintas na ang lace niya ay parang baging at may pendant itong crystal na clear.

"Oh ano yan?" tanong ko sa kanila.

"Crystal clear! May kapangyarihan yan na kayang tapatan ang kapangyarihan ng kambal-usok! Ngayon ko lng nakita to ito ay galing sa korona ng diyosa natin!" masayang sabi ni Kleyries maging ako ay natuwa.

"Oh eh nasaan yan?" tanong ko at nagbasa naman si Kleyries.

"Sa bundok ng..." nag aalangan si Kleyries na tumingin sa akin.

"Ng??" tanong ko sa kaniya.

"Bundok ng Aerries..." sagot ni Kleyries.

"Oh saan yan? Arat na punta na tayo!" akmang maglalakad na ako ay pinigilan niya ako.

"Sa mundo iyon ng mga diwata." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kleyries.

"S-sa mundo ng mga d-diwata?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo at pahirapan makapunta sa mundong iyon tapos sa bundok na iyon at sa mismong kwebang pinaglalagyan noon ay may nakabantay na dalawang malalaking halimaw plus sa daan pa papunta doon, wala pang sinuman ang nakakabalik doon ng buhay." napalunok ako sa sinabi ni Kleyries.

"May paraan yan!" napatingin kay kay Era na nakangiti.

"Paano?" tanong namin ni Kleyries.

"Leave it to me." kinindatan pa kami ni Era at nagkatinginan naman kami ni Kleyries at nagkibit balikat.


•••


"Saan ba tayo pupunta ang kati kati na ohhh!" reklamo ng reklamo si Kleyries.

"Kung hindi ka nagsando edi sana hindi ka kakatihin." sabi naman ni Era.

"Sorry naman kase na-inform ako na sa gubat tayo pupunta eh." sarkastikang sagot ni Kleyries.

"Malapit naman na tayo hayaan mo na yan." napanguso na lng si Kleyries habang naglalakad.

Kaunting lakad pa namin ay tumigil si Era. Napatingin kami sa harapan ni Era at napatingin at nakanganga kami ni Kleyries habang pinagmamasdan ang napagkalaki at ang gandang puno.

Mistula siyang crystal na nagnining ning. May mga paru-paro na lumilipad at iba't ibang kulay sila.

"Ang ganda!" parang batang sabi ni Kleyries.

"Dito tayo papasok." sabi ni Era na ikinagulat namin.

"Ha!?" sabay naming tanong ni Kleyries.

"Teka maghintay kayo." tumalikod sa amin si Era "Hoy kalbo! Labas diyan nandito ako!" sumigaw si Era sa puno.

Nagkatinginan kami ni Kleyries na nakangiwi sa kakasigaw ni Era. Pinagmamasdan lang namin si Era sa kasisigaw.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon