Azi's POV
"Kuyaaaaa!"
Napabalikwas ako ng pagkakahiga at napaupo sa kama, tiningnan ko si Mica na tumawag sa akin at agad kong napasapo ang ulo ko dahil medyo nahilo ako dahil sa biglaang pag gising, inis kong tiningnan si Mica na natatawa sa akin nasa likod niya si Prince na natatawa din
"Bakit ba? Ang aga aga sumisigaw ka, sabado ngayon Mica walang pasok!" inis kong sabi at nahiga ulit sa kama habang nakapikit.
"Eh kuya nandito kase si kuya Prince sabi gisingin daw kita" sumakay pa si Mica sa kama ko at bahagyang tumalon talon, ramdam ko yun syempre.
"At ginawa mo naman!? Alam mong ayaw kong ginigising ako eh!" inis ko paring sabi.
"Kaya kita pinagising para asarin." bumungisngis naman si Prince parang bata kaya nagmulay ako ng mata saka sinamaan ko siya ng tingin.
"Kuya sorry naaaa, wag ka na mainis pumapangit ka oh!" sabi ni Mica na tinusok tusok pa pisngi ko, tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Di kita bati, Pangit pala si kuya eh!" kunwari'y pagtatampo ko.
"Hala joke lng kuya, kiss na lng kita." pinupog ako ng halik ni Mica sa pisngi.
"Okay na okay na bati ka na ni kuya." natatawa kong sabi saka hinalikan sa pisngi si Mica bago umupo ulit sa kama.
"Kuya baba na ako ah!" paalam ni Mica sabay talon pababa ng kama at nagtatakbo palabas ng kwarto ko.
"Oh anong kailangan mo?" pagsusungit ko kay Prince.
"Eto naman ang init nang ulo." naupo si Prince sa may study table ko "wala kasw akong magawa eh, kaya dito muna ako tatambay." ngiting ngiti niyang sabi.
"So, ako guguluhin mo?" bored kong tanong sa kaniya.
"Parang ganon na nga–" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng batuhin ko siya ng unan ko, tinawanan lng ako ng loko.
Pumasok ako sa loob ng banyo sa kwarto ko at naligo, pagkalabas ko ay nakatapis lng ng tuwalya ang beywang ko at dumeretso sa damitan ko.
"Witwiwww siksiiii!" pang aasar ni Prince.
"Loko!" natatawa kong sagot.
Nang matapos akong magbihis inaya ko na sa baba si Prince, hindi parin kumakain ang loko kaya dito daw siya makikikain. Ganyan naman yan kung minsan dito nanggugulo sa bahay.
"Hi Marsie!" ngiting ngiting bati ni Prince kay Marsie.
"Tse!" pagtataray ni Marsie.
"Aga aga ang init ng ulo ni wifey!" pang aasar ni Prince.
"Tigil tigilan mo ako kung ayaw mong itarak ko sayo tong tinidor!" kinuha ni Marsie yung kutsara ng nakatingin lng kay Prince "Ay mali!" agad niyang kinuha ang tinidor ng mapansing mali ang nakuha niya.
"Magtataray na lng sablay pa!" sabat naman ni Tricia.
"If i know, crush mo naman si kuya Prince." kunwari'y kausap ni Mica ang sarili, kung magsalita ito parang hindi bata eh.
"YieeEeeEe!" sabay na pang aasar ni Prince at Tricia, ako naman natawa lng.
"Tse! Ayoko na nga!" kita kay Marsie ang pamumula ng dalawang pisngi, kinikilig.
"Hey wifeyyy!" natatawang sigaw ni Prince.
"Wifey my ass!" sabi ni Marsie sabay palo sa puwetan niya at naglakad paakyat papuntang kwarto nito.
Natatawa kaming nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kami kumain ay nagpunta kami sa salas ni Prince at doon naupo. Kinuha ko yung mga notebook at book ko dahil may gagawin pa nga pala akong assignments.

BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...