CHAPTER 28: Clones' power

22 3 0
                                        

"Mabuti natawag mo agad sila." ani Azi habang tumatakbo sila ni Azer patungo sa malawak na bahagi ng gubat.

"Syempre ako pa! Magaling ako eh!" pagmamalaki ni Azer na ikinailing ni Azi.

Tumigil sila ng takbo ng nakapaligid na sa kanila ang napakadaming uri ng aswang na kakalabanin nila. Nagkatinginan si Azer at Azi at nagtanguan sa isa't isa habang may ngisi sa mga labi senyas na handa na sila.

Naghiwalay silang dalawa, nagtungo si Azer sa kaliwang bahagi para kalabanin ang kalahati sa bilang ng kalaban nila.

"Come on ebribadehhhh!" sigaw ni Azer at nagliyab ang kaniyang dalawang kamay.

Panay ang bato niya ng fire balls sa mga kalaban niya. Nang mapagod siya ay bumuo siyang espada na gawa sa apoy. Umikot siya upang matamaan niya ang tatlong papasugod sa kaniyang likuran. Tumalon siya sabay hiwa sa isang apwak na sumugod sa kaniya.

Itinaas niya ang espada niya at mabilisang umikot at sabay sabay na natamaan ng apoy ang mga kalaban niya. Nang makita niyang namatay na ang mga kalaban niya ay agad na nalusaw ang espada niya at pinagpagan ang sarili.

"Dinumihan niyo lng ako mga panget!" sigaw ni Azer.

Sa kabilang banda naman ay kampate lang na nakaupo si Azi sa ilalim ng puno habang nakikipaglaban sa kalaban niya.

Gamit ang kapangyarihan niya ay kung ano na lang sa paligid ang ibinabato niya sa mga kalaban, ni isa ay wala man lang makalapit sa kaniya.

"Yun na yon? Malakas na kayo niyan?" bored na tanong niya at sumigaw naman ang mga kalaban niyang galit na galit.

Sabay sabay na sumugod ang mga kalabam niya at bored niya itong tiningnan parang hangin lamang na tumalsik ang mga kalaban niya at tumusok ang iba't ibang laki ng sanga sa kalaban niya.

"Kampanteng kampante ka naman diyan." hinihingal na sabi ni Azer dahil kakagaling lang niya sa pagtakbo.

"Mahihina lang naman sila." tumayo si Azi at tumabi kay Azer.

"Tingnan natin kung kayanin mo ako." nakangising sabat ng nilalang na di kalayuan sa kanilang dalawa.

"At sino ka naman?" parang bored na bored na tanong ni Azi.

"Ako si Hades ang pinuno ng mga tiktik." pagkasabi non ay lumabas ang pakpak nito at nag iba ang anyo para itong aso na bungo ang itsura ng mukha na may pakpak na parang sa paniki.

"Ang pangit naman neto." sabat ni Azer.

"Teka madali na sakin to." akmang hahakbang na si Azi ng pigilan siya ni Azer.

"Teka naman ako na lang lalaban ikaw na lang magcontrol sakin lipad lipad ganon! Mas maganda kung patatagalin natin ang laban eh" nae excite na ani Azer.

"Ikaw bahala sige" nagkibit balikat si Azi at naupo ulit sa isang tabi.

"Here i come ugly creature!" pagkasabi non ay nagliyab ang dalawa niyang kamay pati narin ang ulo niya.

Umangat siya sa ere kapantay ng tiktik na kalaban niya. Nakangisi siya habang nakatitig sa nilalang na kaharap niya. Binato bato niya ito ng fire balls pero mabilis ito at naiilagan ang binabato niyang fire balls.

Mas binilisan niya ang pagbato ng fire balls pero ni isa hindi tumama sa kalaban niya tumigil siya at nameywang.

"Wag ka nga umilag!" nakasimangot na sigaw niya.

"Ay bubu ka pag di ako umilag edi tinamaan mo ako." sagot naman ng kalaban niya.

"Kaya nga binabato kita para tamaan ka." pinandilatan ni Azer ng mata ang kaharap niya.

OBSCURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon