Thirds's person POV
"P-paano?" takang tanong ni Eztral kay Aztral.
"Simple lang, Zakhario tricked you" simpleng sagot ni Aztral.
"Ganon ba?" nagkibit nalikat pang tanong ni Eztral "Labas!" sigaw nito at isa isang lumabas ang mga iba't ibang uri ng aswang.
Nag-crossed arm si Aztral at isa isang tiningnan ang hindi mabilang na alagad ni Eztral.
"Wait!" napatingin si Aztral kay Eztral "I have a surprise for you mah-bradah!" pumitik si Eztral na ikinakunot ng noo ni Aztral.
"Aztral!"
"Argg!"
"Bitaw nga!"
Napatingin siya sa pamilyar na boses sa likuran niya, nanlaki ang mata niya ng makita niyang hawak ng mga apwak si Kleyries, Era, Azi, Azair, at Azra pero wala si Azer.
"Paano?" nagtatakang tanong ni Aztral.
"Paano? Dahil sa daddy mo!" sigaw ni Azi na ikinataka ni Aztral.
"Paanong nadamay ang daddy ko?" nagtataka paring tanong ni Aztral.
"Isa siyang katulad ni Era, isa siyang kalahating tao at kalahating apwak! Tinraydor niya tayo hindi naman talaga siya nagpunta sa probinsya nagpunta siya kay Eztral at nandon ang mga kapatid mo nakakulong." unti unting nangunot ang noo ni Aztral sa ipinaliwanag ni Azi.
"Nandito siya oh! In case lang na tanungin mo siya." humarap si Aztral kay Eztral at nakita niya na nasa tabi nito ang daddy niya at nakatingin sa kaniya na walang emosyon sa mukha.
"Dad..." hindi makapaniwalang usal ni Aztral.
"Mamaya na pala! Magda dramahan pa kayo diyan, ano my dear brother? Lalaban pa ba?" nakangising tanong ni Eztral.
"Bakit naman hinde? Hihi" lahat sila ay napatingin kay Azer nang magsalita ito.
Nakasakay si Azer sa isang hindi pangkaraniwang ibon at nasa tabi niya si Aquashia, Shyrina, at Zakhario, nalipag naman si Silvana at Hasley. Lahat sila ay nakasuot na ng kani kanilang kalasag pandigma.
Bumaba si Silvana at Hasley sumunod ang malaking ibon na pinagsasakyan nila Azer. Nang makababa sila ay lumapit sila kay Aztral.
"Akala mo naman hindi namin nalaman plano mo." nakangiwing usal ni Azer.
"Inutusan ko siya na tawagin sila Hasley dahil alam na namin ang plano niyang kakambal mo." sagot naman ni Azi na nakawala na pala sila sa hawak ng mga apwak at nakalapit na sa kanila.
"Mga inutil!" sigaw ni Eztral at napatingin silang labing dalawa dito na nagpupuyos sa galit.
"Why ikaw so galit galit?" maarteng tanong ni Era na pinapaikot pa ang konting hibla ng buhok nito.
"Shut up!" sigaw ni Eztral na ikinatawa ni Era.
"Pangit talaga" bulong ni Era na narinig naman ni Eztral.
"I'm not ugly, ikaw yon!" nagmake face lng si Era bilang sagot kay Eztral.
Lahat sila ay napatingin sa paligid ng bigla itong nabalutan ng itim mistulang nasa loob sila ng isang itim na holen, nagtipon tipon silang labing dalawa sa gitna ng palibutan sila ng iba't ibang uri ng mga aswang.
"Humanda kayo, susugod na sila." nagsitanguan ang lahat ng sabihin iyon ni Aztral.
Magkasamang kumipad si Hasley, Silvana at Kleyries para harapin ang mga uri ng aswang na lumilipad.
Magkasama naman si Azer at Azi na nilaban ang uri ng mga apwak at tiktik. Si Azair at Azra ay para sa mga malalakas na uri ng aswang.
Si Aquashia, Shyrina, Zakhario at Era ay hinarap ang iba't ibang uri ng aswang na gumagamit din ng black magic.

BINABASA MO ANG
OBSCURE
Terrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...