Azi's POV
Nandito kaming apat sa kwarto ko para pag usapan ang plano kung paano kami makakapunta don ng hindi nalalaman. May mga gamit si Era na galing sa samahan ng papa niya. Lalo na yung Holgy gun, yun ang klase ng baril na ang bala ay naglalaman ng mataas na boltahe ng kuryente at may halong holy water.
Meron din silang ini-spray na hindi maaamoy ng kahit na anong aswang. Meron silang parang maliit na horn na para masaktan ang mga tainga ng mga apwak.
"Ganito na lang ikaw Era sasama ka sa akin at si Scar kay Azi." sabi ni Prince at sinang ayunan naman namin.
"Sa may parteng likod kami dadaan." sabi ko at tumango naman si Scar.
"Sige kami naman ang bantay sa inyo." sabi ni Prince.
Marami pa kaming pinag usalan lalo na ang mag ingat na hindi maririnig o maramdaman ng mga apwak na nandoon. Sinabi din nila na may mga ibang lahi din daw doon.
Bumaba na kami sa salas at nakitang nandoon si Daddy na nakaulo sa hita niya si Tricia na natutulog. Nagpaalam kami at pinaalalahanan naman kami ni Daddy na mag iingat at umuwi ng buhay kasama ang mga kapatid ko.
Lumabas na kami ng bahay at hindi na nagdala ng sasakayan dahil hindi naman kami dadaan sa kalsada. Naglakad kami hanggang sa makaabot kami ng gubat, gubat iyon ng kabilang barangay sabi ni Prince ay dito daw ang mas mabilis na daan para makapunta kami don.
"Ahh Prince pwede ka makausap?" kapag kuwan ay tanong ni Era.
"Sige sige." lumakad sila palayo sa amin at kami naman dalawa ni Scar ay tumigil para hintayin sila at makapag pahinga nadin.
Umupo ako sa may ugat ng puno habang si Scar ay palakad lakad sa tabi. Umangat ang tingin ko sa taas ng puno at nakitang may nakatingin sa akin. Napatayo ako at maya maya ay wala na.
"Sorry Azi..." biglang nagsalita si Scar.
"Huh?" tumingin ako sa kaniya at may dinudukot siya sa maliit niyang bag.
"Sorry sorry kailangan kong gawin to eh." malungkot ang mata niyang sabi.
"Ha? Di kita maintindi–" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hipan ni Scar ang kulay pulang pulbos at nang malanghap ko iyon ay agad akong napahawak sa ulo ko.
Naliliyo akong tumingin sa kaniya. nakita kong may isang butil ng luha ang tumulo sa mata niya. Naluhod ko ang isang tuhod ko sa lupa at nanghihinang tumingin kay Scar.
"B-bakit?" nahihirapan kong tanong.
Umiling lng si Scar at tumalikod sa akin. Naibulong ko ang pangalan ni Era dahil siguradong kasabwat ni Scar si Prince. Napalingon ako ng makitang dala dala na parang sako ng bigas ni Prince si Era na walang malay.
Tuluyan na akong napadapa habang nakatingin kay Prince na padating. May ngisi na parang demonyo sa mukha ni Prince, sa mga sandaling ito hindi ko kilala ang Prince na ito.
"B-bakit..." tanging nasabi ko na lamang at unti unting pumikit ang mata ko at nagdilim na ang paligid.
Era's POV
Naglalakad ako habang nasa likod ko si Prince nakasunod sa akin. Nang masiguro ko nang malayo na kami kila Azi ay daglian kong hinugot ang paborito kong holgy gun at mabilis na humarap kay Prince at itinutok iyon.
Bumakas sa kaniyang mukha ang pagtataka at gulat. Ngumisi ako dahil ang galing galing niya magpanggap. Ang galing niya umakto na kakampi namin.
"H-hoy bakit nakatutok yan?" nagtaas pa ng kamay si Prince na parang sumusuko, may pangamba kuno sa mukha niya.
"Bakit hindi mo ipakita ang totoo mong kulay, Prince?" tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya "Prince nga ba? Or should i call you, BM?" napangisi ako ng gumuhit sa mukha niya ang totoong gulat.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
