Aztral's POV
"Bakit ang gulo dito?" nagtatakang tanong ni Silvana.
Maging kami ay nagtataka dahil ang akala namin ay makakaharap namin ang sinasabi nilang Zakhario pero iba ang bumungad sa amin. Naghiwa hiwalay kami at tiningnan ang buong paligid.
"Dito!" sigaw ni Shyrina di kalayuan.
Agad kaming naglapitan at nakita ang nakahigang lalaki na mahaba ang buhok kulay puti ito at may saksak sa tagiliran niya. Sira sira na din ang damit niya kaya dinaluhan siya ni Hasley at ginamot niya ito.
Nasabi rin ni Hasley na kaya rin daw manggamot ang katulad niya. Iniupo nila ng maayos ang natutulog nang lalaki marahil din sa pagod at hirap ay nakatulog din ito. Gumawa ng upuan si Hasley na gawa sa ugat ng halaman para upuan namin at makapagpahinga nadin.
Maya maya ay nagmulat na din ang lalaki at nakakunot ang noo ng makitang may nakapaligid sa kaniya.
"S-sino kayo?" tanong ng lalaki dahil sa hindi pa niya maimulat ng maayos ang kaniyang mata dahil sa sikat ng araw.
"Zakhario kami to, ang AquaSilLeyRina" si Aquashia ang sumagot.
"AquaSilLeyRina!?" nagmulat ng biglaan ang Zakhario na sinasabi nila.
"Kami nga, at bakit ganito kagulo ang lugar mo?" nakakunot ang noong tanong ni Silvana.
"Sinalakay kami ng iba't ibang mga aswang kinuha nila ang crystal sa akin, hindi ko kaya ng lakas at kapangyarihang meroon ang namumuno sa kanila." pagkukwento ni Zakhario at nagkatiningnan kami.
"Si Eztral." nasabi ko at tumingin sa akin si Zakhario.
"Kilala mo? At sino ka? Sino kayo?" tanong niya sa aming tatlo.
"Siya si Aztral, Zakh. Siya yung kakambal nung sumalakay sa inyo, The Ash Smoke siya kung tawagin pero nawala sa kaniya ang kapangyarihan niya dahil kinuha iyon ng kakambal niya." si Hasley ang sumagot.
"Kung ganoon ay bakit kayo nandito?" tanong ni Zakhario sa amin.
"Para sana makuha ang crystal kaso mukhang huli na." bagsak ang balikat kong sagot.
"Hindi naman nila nakuha." bumungisngis pa si Zakhario kaya napatingin kami sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at pinakita niya ang dibdib niya at nagguhit siya gamit ang daliri sa pinaka sentro ng dibdib niya na hugis diamond at umilaw iyon at lumabas ang crystal na nagliliwanag doon at nakaangat iyon sa palad ni Zakhario.
"Matagal ko ng iniba ang itsura ng crystal dahil sa alam na lahat ito ng lahi ginawa ko na lamang siyang parte ng puso, wala namang mawawala sa akin dahil buo nmn ang puso ko at mahahanap lang ang totoong nagmamay ari nito kung ito mismo ang kusang papasok sa dibdib nito–" hindi natapos ni Zakhario ang sinasabi niya ng parang nagwawala ang crystal sa ibabaw ng palad niya.
"Anong nangyayari?" nakakunot ang noong tanong ni Hasley maging kami ay hindi maintindihan ang nangyayari.
"Hindi ko alam, ngayon lamang nangyayari ito." hindi alam ni Zakhario ang gagawin niya.
Maya maya ay mas lalo itong nagwawala, unti unting tumapat sa akin ang kamay ni Zakhario na nanginginig at parang hindi niya ma-control ang ginagawa.
Napakunot ang noo ko dahil parang sumasakit ang dibdib ko. Tiningnan ko ito at nag-iilaw ang gitna noon. Napatingin ako kila Kleyries at sa mga diwata pero mga nakangiti lang sila na akala mo ay alam nila ang nangyayari.
Ilang saglit lang ay parang isang kidlat na mabilis na pumasok ang crystal sa dibdib ko at sa lakas ng impak niyon ay tumalsik ako sa isang puno. Nakita ko ang pag aalala sa mukha nila at akmang lalapit ay may tila barrier na nakapaligid sa akin. Ramdam ko ang sarili ko na umaangat sa ere, ramdam ko din ang enerhiyang nanggagaling sa dibdib ko na kumakalat sa buong katawan ko.
"Ahhhhhh!" sigaw ko dahil biglang sumikdo ang sakit sa buong katawan ko na parang may sumusulat o umuukit sa mga braso at katawan ko.
Era's POV
Kita namin si Aztral na naka angat sa ere at nagliliwanag ang dibdib at kita rin namin ang unti unting namumuong disenyo sa mga braso at katawan niya. Sumisigaw siya marahil sa sakit na iyon.
Nawala ang saplot niya pang itaas at kitang kita na rito ang ang disenyong nakaukit mismo sa balat niya. Meron siyang makapal na kwintas na gawa sa ginto at may dalawang kulay ginto na guhit sa braso niya. Ang suot niyang pangbaba ay mistulang suot ng isang genie pero kulay puti ito na hapit sa binti at maluwag sa may bandang hita at ang sa garter nito ay may disenyong ginto na hindi malaman kung ano.
Ang sapatos niya ay kulay ginto na hanggang ibaba ng tuhod niya at may disenyo itong kakaiba din may kaunti itong takong. At ang buhok niya naging kulay ginto lahat ito at nang mawala ang pagliliwanag niya ay unti unti siyang bumaba sa lupa nang nakapikit.
Kita namin ang crystal na kita ang kalahati sa labas nito. Napatakip ako sa bibig ko nang sa pagmulat ng mata niya ay ang paglabas ng pakpak niya na katulad ng sa ibon pero parehas kulay ginto ang mata niya at ang pakpak niya. Dahan dahan siya lumapit sa amin.
"Siya ang nakatakdang magmamay ari ng crystal kaya pala nung salakayin kami ng sinasabi niyong kakambal niya ay kusang gumawa ng peke ang crystal at ito mismo ang nagtago sa dibdib ko dahil nararamdaman niyang papalapit na ang may ari sa kaniya." biglang nagsalita si Zakhario kaya napatingin kami sa kaniya.
"You look like God." komento ni Silvana "At parehas tayong may pakpak!" dagdag pa ni Silvana at pumalakpak pa siya.
"I feel so powerful." maski kami ay ramdam ang kapangyarihang mayroon siya sa paraan pa lang nagpagsasalita niya.
"Lahat ng gugustuhin mo ay magagawa mo dahil nasayo na ang parte ng puso mo." nakangiting sabi ni Zakhario.
"Makababalik na din tayo sa mundo natin at kailangan nang pigilan sa ano mang balak nang kakambal ko." nagulat kami ng biglang may kumidlat na kulay ginto sa harapan ni Aztral at bigla na lamang siyang nawala.
"Hala! Napaka daya naman non!" sigaw ni Silvana at bigla na lamag naglaho na sinundan ni Aquashia, sumunod si Shyrina ay sumunod si Zakhario na hangin pala anh kapangyarihan at sumunod si Hasley.
"Aba kingina naman yan! Iniwan tayo!" reklamo ni Kleyries at bigla na lamang lumitaw sa harap namin si Hasley na natatawa.
"Iiwan ko ba naman kayo?" tanong ni Hasley at hinawakan kami ay sa isang kurap lang ay nandito na kami sa palasyo nang mga diwata.
"Maligayang pagbabalik at natutuwa kami na nagtagumpay kayo sa pakay niyo." nakangiting bungad ni Khyrietty.
"Maraming salamat." sagot naman ni Aztral.
"Maari kayong mamalagi muna kahit sandali lamang dahil sa haba ng nilakbay ninyo." nakangiting alok ni Khyrietty na itinanggi naman ni Aztral.
"Hindi na po dahil kailangan na po naming umalis sa lalong madaling panahon dahil nararamdaman kong sinasakop na ni Eztral ang mundo ng mga tao." sagot ni Aztral na ikinatango naman ni Khyrietty.
"Kung ganoon, humingi lang kayo ng tulong sa amin agad kaming tutulong sa inyo." nakangiting sabi ni Khyrietty.
"Masusunod at salamat." yumuko ng saglit si Aztral at humarap sa amin si Aztral "Tara na." aya niya sa amin.
"Hindi kayo sasama sa min?" tanong ni Kleyries sa apat na diwata at kay Zakhario.
"Hindi na, pero kung kakailanganin niyo ng tulong sumigaw ka lang ng darna dadating kami." sagot ni Silvana na binatukan naman ni Hasley kaya nagtawanan kami.
"Loka! Basta lumapit ka lang sa isang halaman at tawagin ang pangalan ko dadating kami." kumindat pa si Hasley sa amin at ngumiti.
"Sige salamat." ako ang sumagot at nagpaalam na kami bago pumunta sa lagusan.
Bago kami tumawid sa lagusan ay lumingon muna kami sa kanila at kumaway sa kanila. Napatingin ako kay Zakhario at nakangiti ito at kumindat sa akin kaya inismiran ko ito nakita kong tumawa ito ng bahagya. Tumalikod na ako at tumawid na sa lagusan kasabay nila Kleyries at Aztral.
...
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...