"Kakayanin mo kaya ako?" nakangising tanong ni Eztral kay Aztral.
"Oo naman" seryosong sagot ni Aztral.
"At sigurado ka diyan?" natawa ng kaunti si Eztral "Sa tingin mo ay kakayanin mo talaga ako ano? Lakas ng apog mo toll!" nakangisi man pero bakas sa mukha ni Eztral ang pagkapikon.
Dumating si Azi at Azer kasama si Azair at Azra at pumunta sa may likuran ni Aztral sunod na dumating sina Aquashia, Shyrina, Silvana, Hasley, Zakhario na akay akay si Era at si Kleyries.
Bumakas sa mukha ni Eztral ang galit at gulat na iisa lang ang nakita niyang nasugatan pero di nmn malala.
"Mga inutil talaga!" sigaw ni Eztral.
"Sadiyang mahihina lang ang nakuha mong tauhan Eztral." sabat ni Aztral pagkaharap niya kay Eztral.
"Talagang iniinis mo ako, Aztral" nanggagalaiting sigaw ni Eztral.
"Nainis ka naman? Tanga mo din eh" sabat ni Era pagkatapos siyang gamutin ni Hasley.
"Wag kang makisabat! Isa ka lang hamak na tao!" sigaw ni Eztral dito.
Tumayo si Era at walang emosyon na tumingin kay Eztral. Maya maya ay unti unting nagbago ang itsura nito. Ngumisi si Era at sa isang iglap ay nasa likuran na siya ni Eztral walang sabi sabi niya itong sinuntok ngunit hindi iyon sapat para kahit isang pulgada ay gumalaw si Eztral sa kinatatayuan nito.
"Sa tingin mo kakayanin mo ang isang tulad ko? Nakakatawa." mahinang sambit ni Eztral at wala pang isang segundo ay sakal sakal na nito Era.
"Era!" sigaw ni Zakhario.
Unti unting hinihigop ni Eztral ang pagiging kalahating apwak ni Era ng hindi niya inaasahan na biglang mabibiyak ang daan na kinatatayuan niya.
Agad na lumabas ang pakpak niya at lumipad sa ere, hindi niya naituloy ang binabalak kay Era dahil sa nangyari. Tumingin siya sa banda nila Aztral at nakita niya ang nanggagalaiting mukha ni Zakhario. Napangisi siya sa nakikita.
"Mukhang may tama sayo ang diwatang iyon ano?" tumingin siya kay Era na nanghihina dahil sa paghigop niya kanina ng itim na usok dito.
"Bitawan mo siya." walang emosyon na sabi ni Zakhario.
Napaharap si Eztral dito at napangisi siya. Nakalutang na sa ere si Zakhario at walang mababakas na emosyon sa mukha nito.
"Paano kung ayaw ko?" nakangising tanong ni Eztral.
"Makikita natin–" hindi natapos ni Zakhario ang sasabihin ng biglang binitawan ni Eztral su Era.
"Opps!" pang aasar ni Eztral.
Agad naman na kumilos si Hasley upang pagalawin ang mga sanga ng puno upang saluhin si Era at dalhin sa kinatatayuan nila.
Nakampante si Zakhario ng ligtas na maibaba si Era sa lupa. Bumigat ang enerhiyang nakapaligid kay Zakhario ng humarap siya kay Eztral.
"Ohh galit na siya." pang aasar pa ni Eztral.
Unti unting may tumataas na bato at mga tumpok ng mga lupa sa paligid ni Zakhario. Umikot ng umikot ang mga bato at tumpok ng lupa habang palapit ng palapit si Zakhario kay Eztral. Ilang saglit lng ay nagmistulang ipo ipo ang mga bato at lupa at pumaligid iyon kay Eztral at Zakhario.
Hindi nakita nila Aztral ang nangyayaring labanan sa dalawa. Ilang saglit silang naghintay at napukaw sila ng may bumagsak sa harapan nila.
Agad na nilapitan ni Hasley ang bumagsak at nakita nitong si Zakhario iyon. Agad na dinaluhan nito si Zakhario at napabuntong hininga siya ng hindi pa ito patay. Agad niya itong dinala at tinulungan naman siya ni Azair sa pagbuhat papunta kila Aztral.
![](https://img.wattpad.com/cover/266203478-288-k383855.jpg)
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...