Azi's POV
Nandito kami sa likod ng building dito sa tambayan naming tatlo, at alam na din ni Scar tungkol sa mga senses ko.
Aware sila don at tinutulungan ako nila na mag isip kung bakit ganito ang mga nangyayari sa senses ko.
"Guys, hindi niyo ba naalala yung mga kakayahan nung Apwak na tinuro ni Miss Abby kanina?" biglang sabi ni Scar.
"Oo nga no! Iba siya may isip na" oang aasar naman ni Prince.
"Tumigil ka nga!" saway ni Scar.
"Naisip ko na din yan eh" sabi ko sa kanila.
"Para siyang kagaya ng senses mo ang kaibihan lng hindi matalas ang pang amoy mo tapos hindi ka naman mabilis tapos hindi malayo ang nakikita ng mga mata mo gaya ng itinuro ni Miss." paliwanag ni Scar.
"Yun na nga eh tumalas yung pang amoy ko kanina kaya naamoy ko yung gasul sa canteen." nagulat naman si Scar sa sinabi ko.
"Iyun ba yung sinasabi mong nadagdag sa senses mo?" tanong ni Prince at tumango naman ako.
"Hala ka! Aswang aswang!" sigaw naman ni Scar at bigla siyang binatukan ni Prince kaya natawa ako ng bahagya.
"T*nga! Ang ingay mo saka, iyang gwapo ni Azi magiging ganon?" pang babara ni Prince.
"Ay tama ka diyan, ang gwapo nga nitooo!" parang kinikilig pa ito at akmang pipisilin pisngi ko agad naman akong umiwas.
"Cute lng ang pinipisil ang pisngi" sagot ko at agad naman nagulat ng pisilin agad ni Scar pisngi ko. Tumingin naman ako sa kaniya na nagtatanong.
"Cute ka din naman eh!" sabi ni Scar.
"Ewan sayo" naiiling na lng ako.
"Pero tama si Scar ang wala na lng sayo yung Sense of sight mo at speed mo" si Prince
"Try mo kaya gawin?" suhestiyon ni Scar at napaisip naman ako.
Tinry kong tumitig at inisip na makikita ko ang loob ng canteen na napakalayo mula dito, nararamdaman kong may kakaiba akong nararamdaman at agad akong nagulat ng may mapansin ako sa taas ng building, may isang babae ang nakatayo aa railings ng rooftop at biglang tumalon, ewan ko basta tumakbo na lng ako at agad ko namang nasalo yung babae.
Mga nagsigawan yung mga nakakita at mga pumalibot, nawalan naman ng malay yung babae saka ko agad na dinala sa clinic. Pagkadating ko doon agad na inasikaso ng nurse yung babae.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ng nurse ng matapos siya.
"Tumalon po siya mula sa rooftop ng building ng mga 3rd year" sagot ko at bahagya namang nagulat ang nurse.
"Buti nasalo mo?" gulat pa siyang tanong.
Hindi na ako sumagot ng mag ring ang phone niya. Bigla namang dumating sila Prince at Scar na hingal na hingal. Mga nakahawak sila sa tuhod nila habang naghahabol ng hininga, nang makabawi ay agad na nagtanong si Prince.
"Saan ka nagpunta? Bigla bigla ka na lng nawala eh" si Prince.
"Huh? Tumakbo ako kase nakita ko siya" itinuro ko yung babae na tulog.
"Oh anyare?" tanong naman ni Scar.
"Tumalon siya mula rooftop kaya tinakbo ko–" natigilan kami at nagkatinginan.
"YUNG SENSE OF SIGHT AT SPEED MO!!" sabay nilang sigaw kaya napapikit ako.
"Shhh!" sita samin nung nurse at itinuro yung babae na natutulog.
"Apwak ka nga!!" pabulong na sigaw ni Scar.
"Gagi! Hindi nmn iba yung itsura niya paano siya naging apwak? Saka malay mo kagaya lng siya nung mga super heroes ganon!" sabi naman ni Prince.
BINABASA MO ANG
OBSCURE
Horrormatatanggap mo kaya kung malalaman mong may kakaiba sa iyo? matatanggap mo ba na mahusgahan at katakutan ka ng mga tao? lalong lalo na ang iyong mga mahal sa buhay? hindi man natin alam ang totoong nangyayari sa mundo ngunit malapit na ang nakatakd...
