PROLOGUE

231 10 1
                                    

SIMULA

"Oo nga, ma. I'll make time nalang." I said. Kumagat ako sa tinapay na hawak ko.

Grabe, nakakaantok parin!

"Make sure of that, Maurice!" She said strictly. Humaba ang aking nguso habang nakikinig sa panibagong sermon ni Mama sa telepono.

"Opo.." Tumango lang ako kahit alam kong hindi naman n'ya makikita ang ginawa ko.

Inubos ko ang isang tasang hot choco at tinapay na hawak ko bago mag toothbrush at bumaba sa ground floor.

She's staying in Bulacan, our hometown. Linggo linggo naman akong dumadalaw don. Ngayong linggo lang ako hindi nakapunta dahil sa busy schedule. Kaya she overreacted. Though, okay lang. She's just concern to me.

Medyo nahirapan pa akong alisin ang sasakyan ko sa parking lot dahil may isang SUV na nakaparada sa likod ng sasakyan ko kaya tinawag ko pa ang guard para ipatanggal ito.

I looked at my wrist watch. It's almost 10am! Ang usapan namin ni Gabriel ay alas otso. Sasabunin nanaman ako non mamaya!

Nang tanggalin na ng mismong may ari ang SUV n'ya ay agad akong nagpasalamat habang s'ya ay humihingi naman ng pasensya.

Late na ako!

Bumyahe ako mula sa makati hanggang sa Laguna. Naabutan ako ng traffic, kaya ang dapat na minutong byahe ay natagalan pa.

Agad na huminto ang tugtog sa sasakyan ko ng may tumawag sa cell phone ko. Mabuti nalang at ipit pa ako sa traffic kaya sinagot ko ito.

"Gago, saan ka na?" Banas na banas kong sinagot ang tawag ni Gabriel.

"Sa pwet mo!" I said. Nakatingin lang ako sa nasa unahang sasakyan kung uusad na ba ito.

"Bobo ka kasi, sabing bumyahe ka ng mas maaga e." Umirap ako sa ere.

"Edi sana kayo nag adjust, dinala n'yo sana sa makati yang project mo. Istorbo kayo, kita n'yong busy akong tao!" Mahaba ngunit pabirong lintaya ko.

"Iwan mo muna kay dianne yung mga anak mo. Aga aga mo kasing nag anak" I laughed. Loko talaga ’to!

"Pasensya ka na ha? Sorry kasi wala kang jowa."

"Ah talaga? Pag kayo nag hiwalay ni Gio, tatawanan kita!" Nanggagalaiting saad n'ya sa kabilang linya. Ang lakas lakas makipag asaran, pikunin naman.

"Ano naman, wala ka paring jowa. Kawawa, walang dinidiligan!" I teased him more.

"Talaga ba? Sure kayo ryan?" Maang maangan na tanong n'ya saakin.

"Meron nga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Umusad ang nasa harapan kong sasakyan kaya ganon din ang ginawa ko.

"Nakakamatay ang pagiging uto uto, mauricia!" Umangat ang sulok ng labi ko sa itinawag n'ya saakin.

"Tangina mo."

Bakit ba kasi Mauricia sila nang Mauricia ni dianne! Mga bwiset talaga! Hindi ko alam kung saan nila nakuha ’yan, pero sure akong alam nila na bwisit na bwisit ako ds pangalan na ’yan.

Hindi naman sa ayoko nung name na yun. Ano lang, parang hindi ko s'ya bet. Basta ganon!

"Osya, baka mafall ka na sakin at iwan mo bigla si Gio dahil ako na ang kasiyahan mo eh." Umasim ang mukha ko sa sinabi n'ya.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon