YBWM15

41 5 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

"May naginvite saakin.. Punta tayo sa club. Paparty daw ni captain" Tumaas ang kilay ko.

3rd year na kami. Ang bilis no?.. Lahat talaga nagbabago.

I smiled. "Ipagpaalam mo ako kay Papa" I said. Teasing him.

Nang makilala niya dati si Papa. Sobrang kulit niya kaya napag kamalan siyang bakla. Pano ba naman kasi, pinagsasabunutan yung buhok ko papasok sa bahay NAMIN!. Oo, sa bahay namin!.

Ayun, di namin alam. Nasa Living room si Mama, Papa tyaka si Nanay. Naririnig pala nila yung ingay namin sa labas.

And, yes. Varsity Player na siya. May girlfriend na rin. Ang sabi niya, itinatry daw nila ni Sofie kung magwowork ba. Sighs. Si Sofie, yung babaeng ipinablind date sakanya last year. Yung magandang babae, na sobrang hinhin at kasama sa Cheer Leaders.

Sabi nila itatry lang nila, bakit nagtagal sila ng ganyan katagal?.. Hindi kaya gusto na nila yung isa't isa?.

Bagay sila..

Hindi ako hipokrita, ok?. Bagay talaga sila. And, It's making me feel ugly.

I mean, maganda rin naman ako. Pero, bakit hindi ako yung pinili niya?.

I tried to avoid him nung mga panahong sinabi niya na may girlfriend na siya. Pero, siya ang nangungulit saakin.

Sabi niya ay masyado na raw akong maraming nalalaman tungkol sakanya kaya hindi na ako pwede makatakas.

Hindi naman ako aalis e. I won't leave him, like his mother did to them..

Naikwento niya saakin yun habang umiiyak. Akala raw niya, tanggap na niya ng buo. Pero, naiinggit parin daw siya sa mga taong kumpleto pa ang pamilya.

Hindi niya binanggit kung nasaan ang Mommy nila. Pero, siguro may contact pa sila.

"Sige, wag ka na sumama.." He scoffed.

"Bakit? Ipagpapaal–" Hindi natuloy ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya.

Nandito kami sa living room nila. Dito kami madalas tumambay. Nameet ko na rin ang Daddy nila. Medyo strict siya pero kwela rin.

"Hello?" Itinanong ko kung sino iyon ng walang tunog.

"Sofie" He whispered.

Natigilan ako. I smiled. Bumagsak ang tingin ko sa IPod ko.

"Nandito lang sa bahay, babe." He said.

Nagpatuloy ako sa pag gawa ng design ko. Isesend daw ito Via Email.

"Ate" Biglang umupo si Takeshia sa tabi ko. Nginitian ko siya, pero, patuloy parin ako sa ginagawa ko.

"Ikaw nga lang!" Napalingon kami ni Takeshia ng biglang lumakas ang boses ni Travis.

Napakurap ako ng marinig ko ang salita niya. Bakit parang sinasaksak ako sa puso?.

I sighed.

Bakit may kirot?. Bakit parang ayoko silang marinig?...

"Tara sa kwarto" Napaangat ang tingin ko ng kuhanin ni Takeshia ang gamit ko sa round table at hinatak ako.

Napahigpit ang hawak ko sa IPod ko.

Wtf.. Muntik nang mahulog!

"Teka! Hoy, saan kayo pupunta?" Nilingon ko si Travis. Nakalayo ng kaonti ang cellphone sakanya.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon