YBWM24

35 5 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

"T-this is the interior colors that i am choosing between, sir.." Humina ang boses ko ng tawagin ko siyang sir.

Awkward masyado dahil nakatingin saamin si Keshia na para bang natatawa siya sa ginagawa namin ng kuya niya.

Siraulo pa rin.

"I want a darker shade of brown" I nodded. Tinitake note ko iyon sa isip ko.

"You can analyze the whole design.." Ibinigay ko sakanya ang IPod ko.

"Ikaw na rin ang bahala sa furnitures." Nagulat ako sa sinabi niya.

I never thought na ako pa rin pala ang bahala doon?. Tangina.

"O-ok.." I said.

Inabot niya saakin pabalik ang IPod ko.

"I'll just contact you if may gusto pa akong baguhin dyan" I nodded.

Sobrang liit lang ng interaksyon namin, pero, sobrang saya na ng puso ko.

Jusko. Ano ba naman ito..

"I'll try to contact some furnitures company, Mr. Esquivel." He raised his eyebrows.

"May i know if gusto mo ba ng glass or wood for furnitures?"

"Wood. Yung hindi sana marupok."

"Noted." I said while taking note of what he said.

"Ifafinalize ko nalang ito, since, sabi mo ay ok na–"

"I said, tatawagan kita kung may gusto akong papalitan" Mabilis akong tumango.

"Sungit" Narinig kong bulong ni Takeshia na ikinangisi ko.

Napaka sungit naman ata at sobrang formal ng aura niya. Nakakainis, nakaka intimidate!

"Alright" I said.

"Where" He clear his throat. "can i contact you?"

Napakurap ako sa sinabi niya.

"Active pa rin ang dati kong numb–" Pinutol nanaman niya ang sasabihin ko.

Trip ata ako nito.

"Is that how you respond to your clients?" Sarkastikong sabi niya. Nilingon niya si Gab at nagsalitang muli. "I thought she's the best you can recommend?."

Nainsulto ako sa sinabi niya.

"Professional my ass" Bulong niya pa bago maupo sa monoblock na katabi ng kapatid niya.

"Tangina?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Sabay sabay kaming naglunch sa tent na inihanda nila.

"Lah, paepal" Siniko ko si Gab.

"Aray, putan–" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng palihim kong inginuso ang magkapatid na seryosong nakatingin saamin.

"Hehe.. Kain pa kayo dyan, mare, pare" Tumango pa siya sa dalawa.

"Paano kayo nagkakilala?" Biglang tanong ni Keshia.

Nagkatinginan kami ni Gab.

Kanina pa niya itinatanong yan, pero, iniiwasan namin sagutin. Dahil, wala namang dahilan para sabihin ko, diba?. Pero, sobrang kulit.

Kaya sige, pag bigyan.

"Childhood bestfriend ko siya, kasama rin namin sa iisang village before. They just move out sa bulacan for some personal reasons." Tumango siya.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon