YOU BELONG WITH ME
"Ayan, kainin mo pa yan, ate.." Tumango ako ng naglapag ng lasagna si Takeshia.
"Seriously, you look so cute nung nakita kita!" She said. My cheeks blushed in an instant. "Siniko mo pa yung kasama mo. You looked tensed nung nakita mo si Kuya." She wiggled her eyebrows.
Nandito ako sa bahay nila. Ewan ko ba kung bakit ako sinama rito ni Travis. Wala naman pala akong gagawin dito. Food taster sigiro.
Pero, masarap naman ang luto ni Takeshia. Walang halong kaplastikan, ok?.
She cooked Lasagna, Pasta and Cake for me. Sinabi na raw kasi ng kuya niya na magdadala siya ng kaibigan at kailangang ipagluto ito, dahil patay gutom daw ako.
Ang kapal ng mukha!. Sino kaya saaming dalawa ang laging sabik sa pagkain?!.
Nagulat ako ng umupo sa harap ko si Takeshia. Nailang ako kaya naging mabagal ang pag subo ko sa pasta na inihanda niya saakin.
"Wala ba talaga kayong relasyon ni Kuya?" Nagbara sa lalamunan ko ang pasta na kinakain ko sa pagiging deretso ng tanong niya saakin.
"Eto, tubig.." Mabilis niyang inabot saakin ito. Agad agad ko namang ininom iyon.
Baka maging cause of death ko pa ang choking. Tsk tsk..
"Salamat" I said after i swallowed the water.
"Feel ko tuloy kayo talaga..." Ipinatong niya ang mukha niya sa kamay niya at tinitigan ako.
I smiled. "Bestfriend kami ayon sakanya." I shrugged.
Nanlaki ang mata niya na ikinalaki rin ng mata ko. "So, you like him?!"
Did i exposed my self?.. That's a dumb move... Godness!. I immediately shook my head.
Magsasalita sana ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Sino raw?" Napalingon kaming dalawa ng pumasok si Travis sa dinning area.
Mabilis kong binalingan ng tingin si Takeshia. Nilakihan ko ang mata ko para iparating na wag siyang magsasabi ng kung ano.
Saakin dapat manggagaling..
Tiningnan muna niya ako ng may mapang asar na ngiti bago bumaling sa kuya niya.
Magkaugali sila!.
"Ah, eto kasing si Ate Maui. Kinukwento niya yung crush niya.." She smirked before she look at me.
Ah, i hate that look and smirk.. Please, save me. Anyone?!.
"Sigurado, Hindi ka crush non.. Ang pangit mo kasi e." Pumunta siya sa likod ng inuupuan ko at pabiro akong niyakap sa leeg.
Nagpipigil ng ngiti si Takeshia sa harapan namin habang inaalis ko naman ang braso ng kuya niya saakin.
Putangina.. Torture ba to?. Pafall naman eh!.
"Hindi naman pangit si Ate, though, hindi pa naman natin sure kung hindi talaga siya gusto nung guy.." Pinanlakihan ko siya ng mata. She stand up.
"Tatawagin ko lang si Trevon" She winked at me.
"Kayo ha.. Anong pinaguusapan niyo?" Nagulat ako ng bigla siyang maupo sa kaninang kinauupuan ng kapatid niya.
I rolled my eyes. Itinaas ko ulit ang fork ko para sumubo ng pasta. "Ang baho mo raw, tapos twice a week ka lang naliligo.. Pag daw nagsiswimming kayo, nagbabrown anpxg tubig sa pool. Yung white na paper towel daw nagiging gray sa dumi mo.." Sinamaan niya ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionMaurice Nathalie Del Fuanko, also known as Maui. A sweet, adorable, and affectionate person with a beautiful heart and features. Everyone adores her and appreciates her polite demeanor. She is also a shy girl, and many boys will gladly line up for h...