YBWM26

47 4 3
                                    

YOU BELONG WITH ME

"I missed you" Niyakap ko siya at pinupog ng halik ang buong mukha niya.

"I missed you, Miss" Malambing na sabi niya.

"How's my girl?" He asked me.

"I'm doing good" I smiled.

"Si Vible ang tinutukoy ko" Sinamaan ko siya ng tingin.

Umuwi ako ng Bulacan to check him at para na rin dumalaw sa bahay namin. Sa Makati kasi ako naglalagi for the past few years. You know, work and stuffs.

"Ang sama mo!" Biniro kong papasok akong muli sa sasakyan ko ng hinatak niya ako pabalik sa bisig niya.

"How's my nurse?" I asked him.

Kalaunan ay pumasok kami sa bahay niya. Mag isa lang siyang nakatira rito dahil gusto na raw niyang mahiwalay sa parents niya.

"Hindi ka manlang nagliligpit ng pinagbihisan mo!" Sinisermonan ko siya habang hawak ko ang basket ng maruruming damit niya. Kinukolekta ko ang mga maruruming shirts niya sa salas.

"You know my sched, babu.. Don't be mad na" Nakangising sabi niya sa sofa.

Napagalaman kong kakagising niya lang pala galing sa trabaho. Panggabi ang shift niya this month. Nong January kasi pang umaga ang shift niya e.

He must be really tired at work.

Patuloy ako sa panenermon habang naglilinis ng mga kalat sa sofa niya habang tinatawanan niya lang ako. Maya maya ay nanahimik siya kaya nilingon ko siya.

"What?" Nakataas kilay kong tanong.

"I can figure you as my wife and the mother of my childrens already.." Nakangiting sabi niya. Kitang kita ko ang saya sa mata niya na ikinaguilty ko.

Nginitian ko lamang siya at itinuon muli ang atensyon sa ginagawa ko.

Naka dolpin shorts lang ako at tshirt. Ganito lagi ang suot ko pag dadalaw ako rito.

Hindi ko alam. Sobrang naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sakanya. Naguguluhan ako para sa nararamdaman ko kay Travis.

"Gio.." I called his name. Kasalukuyan kaming nagtatanghalian sa dinning table niya.

"Maui" Tinawag niya rin ang pangalan ko.

"Remember when you offered me this relationship?" Natigilan siya sa pag subo.

"I don't want to lie to you" Huminga ako ng malalim. "I accepted that because of someone, you know that, right?" Nakatulala siya sa plato ko.

"You didn't eat your vegetables.." Sabi niya.

"Gio" I called him again.

"Eat that, babu.. That's good for your health!. Makinig ka sa nurse mo." Nadurog ang puso ko ng makita kong pilit siyang ngumingiti.

Hinintay kong matapos siyang kumain bago ko hugasan ang plato na kinainan namin.

Ang hirap naman sabihin.. Sasabihin ko lang naman yung nararamdaman ko, hindi ba?. Wala naman sigurong masama ron..

"Maui!" Nagulat ako ng tawagin niya ako.

"Bakit?" Sagot ko sakanya.

"Gab's calling. Should i answer it?" I answered yes.

Kilala naman niya si Gabriel dahil nagkita na silang dalawa. Based naman sa nakita ko, ayos naman sila sa isa't isa. So, ayos lang siguro kung siya ang sasagot sa tawag ni kulokoy.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon