YBWM1

129 6 0
                                    

YOU BELONG WITH ME


"Miss na miss mo na ba ako?" She asked me cooly.

Agad akong huminga ng malalim at bahagyang umiling.  Naranig ko ang halakhak n'ya sa kabilang linya na ikinangiti ko.

Syempre, miss ko na s'ya..

"Wala ka parin bang bebelats?"  Inirapan ko s'ya.

"Hindi ba pwedeng tanungin mo muna ako kung kamusta ako?" Singhal ko.

"Kung hindi ka naman okay, magnngawa ka na ryan.." She stood up.

I just shrugged. Hindi ko alam kung saan s'ya pupunta.

"So, wala kang bebelats?" Pangungulit n'ya, pero wala parin s'ya sa screen.

Tanginang bebelats. Bebeyak ng bilats daw meaning nyan sabi n'ya. Hindi ko alam kung saan n’ya nakuha ’yan, gayong nasa america s’ya at paniguradong walang mag tuturo sakanya ng gan’yang mga salita doon!

"Wala nga!" Inis na sabi ko.

Bebelats ng bebelats. Nako! Ang bibig talaga ng babaeng toh!

"I am currently picking what should i wear.. Saan mas maganda?"

Itinaas niya sa screen niya ang dalawang dress. Isang chiffon sleeveless na silk, kulay asul ito at paniguradong babagay ito sa mapushaw niyang balat. Pero, mukhang bagay din sakanya ang hawak pa niyang isa, isa itong cute tulle backless dress, kung susukatin ay mukhang maikli ito para sakin. Kulay itim ito kaya sigurado rin akong babagay ito sakanya.

"Ako, mas maganda ako" Pabirong saad ko.

Ngumiwi s'ya saakin. I chuckled a little.

"What event ba?" I asked her. Naguguluhan din ako sa pagpili kaya siguro ay ibabase ko nalang ito sa event na pupuntahan niya.

Inilapag niya ang hawak niyang dresses sa kama. "Night out lang with some friends" She shrugged.

"Wear the blue one.." She pouted. Agad kumunot ang noo ko.

"I thought you would pick the black dress because it looks seductive" I rolled my eyes. Gaga.

"Pinapili mo ako, tapos, kukwestyunin mo ang napili ko?.." Itinaas ko ang kilay ko at ipinatong sa lamesa ang cellphone ko. "Kung pwede lang manampal ng taga New York ngayon, naku!"

Humalakhak siya sa kabilang linya. "Masyadong mainit ang ulo mo ngayon ah?.. May gyera ba?"

"Gyera what?" I got confused for a moment. See? Gyera? Napaka out of context!

"Menstruation! Regla! Dalaw!" I scoffed.

Kilala niya talaga ako

"Anong connect nun sa gyera?" I asked her.

"Malamang, duguan! Nasaan ba ang commonsense mo, Maurice! Napaka tanga, dios mio por pabor!"  She said with a thick accent. If i don’t know, i’ll mistaken her as someone who lives in Spain. I laughed.

"Kailan ka pa natuto mag spanish?" I asked while chuckling.

"Ngayon lang.. Naiistress ako sayo!"

"Hayaan mo, uuwian kita ng apam dyan. Nang hindi ka ganyan."  Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Anong connect?" I asked.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon