YBWM27

33 4 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

"He made you a favor.. Come and think of it." Pag aalo saakin ni Dianne ng makauwi ako sa makati.

Nandito ako sa condo ko, hindi ko alam kung bakit nandito siya, pero. Siguro ay natunugan na ng mga tao sa bahay na may nangyaring ganoon sa pagitan namin ni Gio.

Isang linggo akong nagkulong dito at hindi tumatanggap ng kahit anong text o tawag kahit kanino. Gustong gusto ko ang oras na mag isa ako dahil mas nakakapag isip ako ng mabuti.

Pero, salamat din dahil pinuntahan pa ako rito ni Dianne.

"Sinabi ko na sakanyang mahal ko siya, jahnea" I cried harder.

Nag abot siya ng panibagong rolyo ng tissue saakin. Agad ko naman itong tinanggap.

Hindi na siya nagsalita at hinayaan niya akong umiyak habang nakayakap siya saakin.

Nagkatulog kaming dalawa sa ganong posisyon kaya pag gising namin ay nangangawit kami.

"Ayos ka na?" Tumango ako.

"Tumatawag saakin si Gabriel na gago, hinahanap ka. Ghinost mo raw siya" Ngumiti ako.

"Nakalimutan ko tuloy. Mabuti nalang at wala akong ibang project ngayon bukod sa project namin sa Laguna.." I said while mixing my coffee.

Ibinigay ko sakanya ang kape niya at naupo ako sa katabi niyang upuan.

Medyo maliit ang kitchen ko kumpara sa kitchen niya. Pero, malaki pa rin naman ang espasyo kung titingnan.

"Yawa.. Sana all?" Natawa ako sakanya.

"Bakit?"

"Gago, tatlong project hawak ko ngayon. Sana lang kaya ko, ano" Umirap pa siya saakin. "Kasi naman, yung mga tinanggihan mo, saakin ipinapasa!" Reklamo niya.

"Totoo ba?" tumatawang tanong ko.

"Oo, leche ka. Alam mo ba, gusto ko nang sabunutan yung patilya ni Sir Mercedez kaso hindi pwede dahil amo ko siya?" Humagalpak ako sa tawa sa pinagsasasabi niya.

"Kung hindi ko lang talaga siya amo, sinabunutan ko na siya." Humigop siya sa kape niya.

"Try mo nalang jowain tas utusan mo na ipasa sa iba gawain mo pero saasahod ka pa rin" I joked.

Maitsura naman ang amo namin. Kaedad lang namin. Mga nasa Mid 20's na siya, pero, masungit!. Ubod ng sungit!. Hindi ko pa nakakausap ng casual yan, kahit casual akong tao.

"May point" Umakto pa siyang nag iisip.

"Gaga" We both laughed.

"Isara mo nalang ang pinto kung aalis ka na. Mag ingat sila sayo!" Paalam ko sakanya.

Balak kong bumalik sa site. Kesa mag isip ng kung ano ano sa condo ko, bakit hindi ako gumawa ng mga bagay na pwede kong pagtuunan ng pansin, hindi ba?.

I drive for 16 minutes. Nang makarating ako ay bumungad saakin ang malapit nang matapos na bahay. Malaki ito at hindi pa fully finished ang labas.

Dala ko ang mga designs sa bawat kwarto at ang catalog for furniture so they can decide which one ang pipiliin nila.

Ipinadala ito mismo sa condo ko ayon sa secretary nung boss niya. Hindi ko sure kung bakit, pero, nagpasalamat nalang din ako.

"Magandang araw, arkitek!" I smiled.

I missed seeing people.

Isang linggo rin akong nagkulong at walang kinita kahit sino. Grabe, hindi ako nabagot manlang.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon