YOU BELONG WITH ME
"Piliin mo ako. Ako naman ngayon.." Nagsusumamong sabi ko sa babaeng mahal ko sa harapan niya.
Umiling siya saakin. "You're always sulking.." I said.
"Sagutin mo ako, ako nang bahala sa kasiyahan mo." muli nanaman siyang umiling habang tumutulo ang mga luha niya.
Nabasag ang puso ko sa nakikita ko ngayon sakanya.
"Trust me, Miss.." Kusang lumipad ang kamay ko para punasan ang mga luha ng mahal ko.
"Kung hindi mo ako mamahalin. That's fine." I said. "Ang mahalaga, mapapapasaya kita sa mga darating na panahon na magiging malungkot ka, Maui."
Sumungaw ang tuwa sa puso ko nang sandaling hawakan niya ang kamay ko sa pisngi niya.
Ibig sabihin ba nito?..
"Mahal kita, at hindi kita kayang makitang nasasaktan" Yun ang naging huling salita ko bago siya pumikit at tumango ng marahan.
Ikinulong ko siya sa bisig ko at pumikit.
Kung hindi ka man para saakin. Magiging kuntento na ako sa mga magiging oras natin na magkasama, maui.
Hirap na hirap akong tingnan siya nung mga sandaling lugmok siya dahil sa pag alis niya. How can he do that?. I clenched my fist. Napaka tanga niya dahil sinayang niya pa si Maurice.
"Babu!" I called her.
Lumingon ito saakin ng nakangiti. Sa wakas. Nabawi ko na yung nga ngiti niya. Hindi ko na nakikitang lumuluha siya. Alam ko sa sarili ko na ako ang dehado sa huli, pero, susugal ako. Susugal ako, kasi, baka kaya ko tong ipanalo. Baka kasi matalo ko yung lalaking gusto niya, diba?. Wala naman masamang sumubok.
"I love you, Miss.." I said. Ikinulong ko ang mukha niya sa dalawa kong palad at pinirot pirot ito.
"I love you too.." She said the three word already.
Sinabi niya na, pero, yung kislap ng mata niya. Malungkot pa rin. Parang hindi siya nasisiyahan sa nangyayari sakanya. Pero, tinuloy ko. Itinuloy ko, kasi hindi ko kayang bitawan yung salita ko na gusto ko siyang pasayahin.
Napapasaya ko nga ba talaga siya?. Yan lang ang nasa isip ko ng mga oras na iyon.
"Kamusta?" Ibinaba ko ang basong hawak ko at nilingon ang nagsalita sa gilid ko.
It's Nicholette. Ang may ari ng bar na pinasukan ko. I'm happy for her, dati ay nag sside line side line lang siya sa kung ano anong trabaho. Makukuha mo talaga yung gusto mo, pag pinag hirapan mo na.
"I heard she's marrying someone now?" Umiwas ako ng tingin.
"Wag muna ngayon, Nicholette.." I said. Nag salin akong muli ng alak sa baso ko.
"I told you, pangit talaga ang idea mo na magpaga–" Pabagsak kong ibinaba ang bote ng alak na hawak ko. Gumawa ito ng isang malakas na ingay.
"Umalis ka muna, Nic. Gusto ko mapag isa.." She sighed. Tumayo siya at lumabas sa VIP room na kinuha ko.
I believe na hindi niya ako ginamit. Masaya na kaming dalawa. Maayos na eh, ikakasal na kami next year. Naka plano na lahat, kung saan kami magpapatayo ng bahay. Kung ilang anak ang ibibigay niya sakin. Kung sino ang magbabayad ng bills every month.
Naiplano na namin pareho eh. Bakit naman kasi dumating pa ulit yung lalaking yon?.
Tahimik akong umiiyak habang nakayuko sa sofa na inuukupa ko. I clenched my fist. Naalala ko ang sinabi ni Travis noong panahon na tumawag si Gabriel kay Maui.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionMaurice Nathalie Del Fuanko, also known as Maui. A sweet, adorable, and affectionate person with a beautiful heart and features. Everyone adores her and appreciates her polite demeanor. She is also a shy girl, and many boys will gladly line up for h...