YOU BELONG WITH ME
*Phone rings*Napakamot ako ng ulo ng makita kung kaninong number ang tumatawag saakin.
Nandito ako sa usual na spot ko kung saan wala akong kasama. Nageenjoy ako mag isa ngayon.
Napabuntong hininga ako bago ko kunin ang cellphone ko sa tabi ng mga paperworks ko.
Iniloud speaker ko ito at inilapag ulit sa table.
"Shut up, Nico. Nakakahiya ka.." Narinig ko ang boses ni Ate Nic sa kabilang linya.
Magkakasama sila?. Ang daya, hindi ako inaya!.
"Oh, hello?" Tamad na bati ko.
"Ate!"
"Ano nanaman ba?"
Inaayos ko ngayon ang mga plates na nagawa ko na. Including ang isketch a bahay namin. Hassle naman. Sana lang e magustuhan ng mga teachers namin ito.
"Ate, sabi ni Ate kasi ano e.."
Isa isa kong sinilid ang mga papel ko sa paper bag.
"Anong sabi?" Kunot noong sabi ko.
"Puntahan mo raw kami dito sa coffee shop, sa boundery ng school niyo at school namin hehe"
Napatingin ako sa relos na suot ko. Maaga pa naman, pero, sayang naman ang oras ko.
"Bakit?"
"Si Ate kasi..." Napatampal ako sa noo ko.
"Oo nga, si ate anong nangyari?" Mariing sabi ko.
"Umutang dun sa cashier ng two chocolate cake at frappes.. Wala naman pala siyang pera.." Bulong niya.
Humagalpak ako ng tawa.
"Teka" Tumawa ulit ako ng malakas. "Totoo ba?. Nasaan si Ate Nic?"
"Shut up, Maui!" Napatigil ako sa pag tawa ng marinig ko ang sigaw ni Ate Nic.
"Oo, sandali" Nagmamadali akong iligpit ang mga gamit ko para puntahan ang magkapatid.
"Bye bye, love you!" He said.
"Yea, love you" I rolled my eyes.
Malambing talaga si Nico saakin. Kung kay Mylene ay mapangasar siya, kabaliktaran naman nun siya saakin. Saya yon ha.
Sila talagang dalawa yung lapitin ng malas. Like, maflatan ng tires sa emergency. Or, gaya nyan. Madukutan or mawalan ng pera pag may gusto silang bilhin.
I bet umiiyak na si Ate Nic ngayon habang tuwang tuwa naman si Nico. He's always like that, 'bad publicity is also publicity' daw.
Buang.
Nang makarating ako sa gate kinausap ko ang guard.
"Kuya, may sasaglitin lang po ako"
"Anong oras ba ang klase mo, neng?" Tanong niya saakin.
I pouted. "1pm po"
11 palang naman dahil nag early lunch kami, walang professor sa last sub namin ngayong umaga. Wala rin siyang iniwan na gawain kaya nagearly lunch nalang kaming magkakaklase.
"Sige, bumalik ka ng maayos ha" Ngumiti ako sakanya.
"Salamat po!" I waved my hand while walking towards the gate.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionMaurice Nathalie Del Fuanko, also known as Maui. A sweet, adorable, and affectionate person with a beautiful heart and features. Everyone adores her and appreciates her polite demeanor. She is also a shy girl, and many boys will gladly line up for h...