YOU BELONG WITH ME
"Tanga" Humalakhak siya.
"Alam mo, ang sarap pasakan ng papel nyang bunganga mo" I said.
Ewan ko ba, siya lang nagaganito ko bukod kay Dianne e. Parang comfortable ako tarayan siya kasi parang hindi siya naooffend saakin.
"Mas masarap ako" He winked. Nagkunyari akong masusuka.
"Doon ka nga, baka magalit pa ang girlfriend mo saakin!" Kunyaring tinaboy taboy ko pa siya.
Syempre, kunyari talaga!. Gusto ko pa siya makausap e.. Bakit naman kasi ganito?. Bibigyan ako ng crush pero may jowa!. Unfair!.
"Girlfriend? What are you talking about?" Tumatawa pa niyang sabi.
Ibinaba ko ang ice pack at tiningnan siya na parang ipis.
"Hello? Kasama mo pa yun sa Corridor last june, tapos lagi kayong magkasama these past few weeks!." I said sarcastically. "Brown haired girl!"
Agad napalitan ng pandidiri ang mukha niya. Siraulo to..
"That's my sister, Takeshia Beatrix Esquivel" Umirap siya bago ngumiti.
"Weh?.." Hindi ako makapaniwala..
INIWASAN KO SIYA DAHIL SA KAPATID NIYA?!.
"Edi wag, magtatanong tapos di maniniwala" Agad agad siyang umalis sa harap ko at nagpunta sa table nung nurse na nakaassign sa clinic.
Mukhang aalis na siya.. Ang bastos talaga kausap...
Pero, kung kapatid niya talaga yun.. Bakit hindi niya agad sinabi?!.
"Umuwi ka na raw." I pouted.
"Bakit?"
"Suspended ka, tanga ka" I looked at him with disbelief.
"Ano?! Bakit?!"
"Sinagot mo raw si ser e." Malumanay na sabi ni Bonny.
Kasalanan ko pa?. Wait, bakit parang ganon?. Parang binaliktad naman ata niya ng super linis yun?.
"B, alam niyo naman yung sinabi ko. Wala akong sinabing nakakaoffend or something." Maluha luha kong sabi habang inaayos ang bag ko.
Dinala niya yung bag ko rito sa clinic nung mag break time sila. Umalis na si travis. Binwisit lang naman ako ng binwisit nun.
"Syempre, Teacher yun.." Sabel interrupted.
I sighed. "Totoo nga?.." Suminghot ako dahil sa sunod sunod na luha ang pumatak sa mata ko.
"A-ano! Huy, wag ka umiyak!" Sabel said while Bonny is laughing.
"Ano ba yan, B. You're not helping her!" Hinimas himas ni Sabel ang likod ko.
"Joke lang, Te.. HAHAHAHA sorry, ang cute mo kasi.." I glared at him. "Mukhang siopao yung mukha mo, ang tabaa"
"Pero, wag ka na muna raw pumasok ngayong araw. Aaralin daw yung puno't dulo ng gulo." Norie said. I pouted.
"Wag ka ngang ngumuso, girl. Mukha kang siopao na sobrang taba.." Napahawak ako sa noo ko. Nakagilid lahat ng bangs ko..
KAHIYA!
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionMaurice Nathalie Del Fuanko, also known as Maui. A sweet, adorable, and affectionate person with a beautiful heart and features. Everyone adores her and appreciates her polite demeanor. She is also a shy girl, and many boys will gladly line up for h...