YOU BELONG WITH ME
"Engot ka talagang babae ka!" He looks serious while walking towards me.
My heart started to beat twice faster than my normal heartbeat.
"Are you hurt?" Salubong ang kilay niya habang pinapasadahan ako ng tingin.
Ngumiti ako ng malaki at umiling.
Concern s'ya!. Concern yung crush ko sakin!. Omg!
"Who the hell would stand in the center of the way like an idiot?" He said. I pouted.
"I didn't!. As you can see, i am just fixing something" I said before i pointed my hair.
"Yea, sa gitna ng daanan" Itinuro n'ya ang mismong daanan saakin na tila ba hindi ko alam na daanan iyon.
I rolled my eyes.
Pasalamat s'ya pogi s'ya.
"Anyway.." I smiled again. "Is that your car?" I asked him while pointing the Jaguar behind him.
"No, nakisakay lang ako" Napairap muli ako sa pagiging sarkastiko niya.
Ayoko talaga sa mga pilosopo'ng tao, pero, pwede naman siguro mag except, 'no?
"Umuwi ka na, it's past 5pm. Hindi yung parang gusgusin ka dito!" I pouted when his hands started to push me. Hindi naman malakas.
Ang bango niya. Bakit parang di naman to galing sa eskwela?. Ang unfair. Baka nga ang baho ko na ngayon e. Kainis!.
Umisip ako ng magandang rason para isabay n'ya ako.. Pag sinabi kong wala akong sasakyan. Hindi s'ya maniniwala!
"Flat ang tires ng sasakyan ko.."
Nag away ang puso't isip ko sa sinabi ko.
Huhu, ang stupid!. Pero, baka naman kasi isabay niya ako, diba?. Law of attraction, isasabay niya ako!. Please please!.
"N-naghahanap lang ako ng kakilala ko dito.. P-para makisabay" I stutter when he started look at me with accusations.
"What?!" I said when he's still looking at me.
"Ganon ba? Kawawa ka naman pala.." I nodded. Ibinaba ko ang tingin ko sa sapatos ko.
Feel ko namumula ang mukha ko sa hiya at kasinungalingan ko. Minus 30 points. Char.
"Kung ganon pala.. Umpisahan mo na maglakad" Sabi n'ya bago tumalikod.
Napabuga ako ng hangin.
"Walang awa.." I said before i walk in the other direction.
Naglakad ako hanggang sa makalabas ako ng parking lot. Hinintay kong lumabas ang sasakyan ni Travis, pero, mukhang sa kabilang side siya dumaan.
At, talagang pinanindigan kong maghintay ng taxi. Mga 10 minutes na akong nakatayo sa tamang hintayan.
Bahala na.
Nakita ko ang papalapit na taxi, walang pasahero kaya pinara ko agad ito. Bago pa yon huminto sa harap ko, may sumigaw sa likod ko.
"Teka lang!" I pouted to hide my smile. Hindi ko s'ya nilingon pero sigurado akong siya yun.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng taxi ng bigla n'ya akong unahan doon. Making me think that he opened the door for me..
How sweet!.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionMaurice Nathalie Del Fuanko, also known as Maui. A sweet, adorable, and affectionate person with a beautiful heart and features. Everyone adores her and appreciates her polite demeanor. She is also a shy girl, and many boys will gladly line up for h...