YBWM13

36 5 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

Pagod na pagod ang utak ko sa kakaisip kung ano bang dapat kong gawin. Jusko! Tambak ang plates at mga school works.

Ano kaya magandang gawin?. Pwede kaya magpasakal?.

Pero, mawawalan nang mommy si Vible. Hindi pa pwede ngayon...

Pumasok ako sa Cafeteria. Marami nang nasa loob kaya medyo nahirapan akong dumaan, nakahalang ang mga upuan e.

Mahaba na rin ang pila!. Malas!.

Napangiti ako ng makita ko ang pamilyar na likuran.

*Dugdug!* *Dugdug!*

ayan nanaman yung puso ko!. Magpacheck up na ako sa susunod. Kinakabahan ako lagi pag nakikita ko si Travis e.

Agad agad akong lumapit sakanya.

"Hoy" Hinampas ko sa braso si Travis ng makita ko ito sa canteen.

Nakakunot ang noo niya ng nilingon niya ako. Isang linggo na ng huli kaming nagsama. Isang linggo na rin noong nakapasa siya sa varsity team at isang linggo na rin simula nung binigay niya saakin ang kwintas.

Naging busy din naman ako since ako ang gusto nilang ilaban sa Ms. AU since ako ang nanalo last year. Ako ang pinipilit ng batch namin sa Architecture. Malapit na rin kasi ang simula ng foundation day.

3rd week daw ng september. Eh, 1st week na ngayon. Grabe, ang bilis!.

"Ikaw pala" Pinanliitan ko siya ng mata.

Mukhang kabado siya sa presensya ko. May nagawa siguro tong katarantaduhan?

"Sabay ako ah" Sakto namang siya ang nasa huli ng pila kaya sumunod ako sakanya.

"Diba, bawal ka sumali sa sport fest?" I asked.

Nagtataka lang ako kung bakit parang busy siya ngayon. Wala namang training ang varsity team dahil by December pa ang laban laban ng mga school sa lugar namin.

Umusad kami. "Oo, may ginawa lang ako" I nodded.

He looks uneasy. Masyado ba akong madaldal or may itinatago siya saakin?.

Nang makarating kami sa unahan ng pila. Umorder ako ng pork sinigang at isa't kalahating order ng kanin. Tyaka 1 bottle ng water at isang iced tea.

Baka kasi kulang pa sakanya yung kanin niya.

Nang matanggap ko ang order ko, nagulat ako sa inorder niya.

Good for 2 person yun ah?. May inorder naman ako..

Nagtaka ako pero idinaan ko nalang ito sa ngiti. Baka kasi ayaw na niya manghingi ng pagkain saakin ngayon.

"Saan ba table natin?" Tanong ko, nakasunod parin sa likod niya.

Nakita ko ang paghinga niya ng malalim base sa pagtaas ng balikat niya.

"May kasama ako.. Ngayon.." Mukhang nahihirapan siyang sabihin iyon kaya lalo akong nagtaka.

"Sino?" Luminga linga ako. Wala naman akong kilalang kaibigan niya dito.. Ayaw niyang makipagkaibigan sa mga kabatch niya e.

"Babe!" Napalingon ako sa babaeng sumigaw at itinataas ang kamay niya.

Pero, mas nagulat ako ng nagsimulang lumakad si Travis sa dereksyon na yun..

Maganda, Maputi, Matangkad, Malaki ang hinaharap. Mukha siyang barbie doll.. Teka, kilala ko siya.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon