YOU BELONG WITH ME
"Pupuntahan mo pala ang boyfriend mo, sinama mo pa ako." Nanlaki ang mata ko.Wait, what?.
"Hindi kita sinama" I said, kakaalis lang namin.
"Oo nga. Pero, sana pinaalis mo ako. Tinititigan ako kanina pa!. Bading siguro yun. Type ako?"
Humagalpak ako ng tawa.
"Si Nico yung kinukwento ko sayong Nicolas. Shunga.." I laughed so hard.
Nakita ko ang pag irap niya sa rear mirror habang nagdadrive ako. Ang arte.
"Sinong Nicolas?" He said in a flat tone.
"Yung pinsan ko na laging nakaukyabit saakin!. Tyaka, ew. Hindi ko jojowain yun kahit kaming dalawa nalang sa mundo noh. Patayin mo nalang ako ngayon.." Biro ko.
"Hindi ka kasi nakikinig saakin, bobo mo" I said before i laughed again.
"Mag drive ka na nga lang. Ang pangit mo" I make face.
"Kala mo naman ang gwapo mo, e no?. Mukha ka kayang chimpanzee" I teased him.
"At anong akala mo sayo?. Maganda?" Narinig ko ang pag higop niya sa drink na binili ko.
"Maganda talaga ako, ako ang Beauty na minsan mo lang makikita.." Kinagat ko pa ang labi ko at pumikit pikit.
"So, ako yung beast?" Takang tanong niya na ikinahagalpak ko ng tawa. "Ang kapal naman pala talaga ng mukha mo!"
"Wala akong sinabing ganon. Assuming ka" I laughed.
Minsan na lang kami mag usap ng ganito. Namiss ko to. Lagi kasi siyang busy ngayon. May inaasikaso raw siya. Kahit nga yung mga kapatid niya hindi ko na rin madalas makausap e.
Miss ko na si Trevon!. Wala kasi siya dyan e. Nasa family ng mother side nila. Lola ata nila, idk.
"Alam mo kung anong tawag sa feeling magandang babae?" Napangiwi ako sa biglaang pagtatanong niya.
Ang out of nowhere naman ng tanong niya. Shuta.
"Ano?"
"Maurice Nathalie Del Fuanko" Agad agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.
Tawa siya ng tawa habang masama ang tingin ko sakanya.
Ang ganda ng tunog ng tawa niya... Erase erase.. Galit dapat ako!
"Kesa naman sa pangalan mo, pang 6 years old. Angelo.." I stuck out my tongue bago magfocus sa road.
"At yung Nathalie mo?. Pang 4 years old na bungi"
Bakit ba lahat nalang kailangan may ganti siya saakin?!. Kainis!.
"Travis Angelo Esquivel.. Mukhang pangalan ng Anghel, pero, impakto naman yung may ari." Sabi ko.
"Blah blah blah!" Nagkunyari siyang walang naririnig kaya hinampas ko siya.
"Hoy! Mamaya mo na ako awayin. Siraulo, pag ako namatay dito. Mumultuhin kita!" I rolled my eyes.
"Paano naman kung namatay din ako?"
"Edi mumultuhin pa rin kita. Walang makakapigil kay Boss Amo" I gasped in disbelief.
"Kapal ng mukha.." I whispered.
"Pero, kung mamamatay tayo parehas dito. Friendship goals ba tawag don?"
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionMaurice Nathalie Del Fuanko, also known as Maui. A sweet, adorable, and affectionate person with a beautiful heart and features. Everyone adores her and appreciates her polite demeanor. She is also a shy girl, and many boys will gladly line up for h...