YBWM3

72 4 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

Monday morning means terrible morning!. I have to wake up so early. Nakakainis.

"Ayoko na.." I mumbled while messing my hair. Agad kong inabot ang alarm clock ko at pinatay ito.

Nahiga muna ako sandali, pero, sinigurado kong hindi ako pipikit. Dahil alam kong makakatulog nanaman ako! Hello? I hate monday!.

Pwede bang, Friday Saturday Sunday Sunday Sunday Sunday Sunday Friday nalang?.. Kainis.

Tumayo ako para gawin na ang morning routine ko. Nagtagal ako ng mahigit sampung oras sa loob ng banyo ko.

Yun nga, kaya mas maaga ang alarm clock ko, dahil mabagal akong kumilos. Ayun, sinet ni mama ng 5am ang alarm clock ko, ang ending, nakatanga ako sa school.

I'm now wearing our school uniform. Over all uniform ito ng university. Isang skirt at yellowish polo shirt na may logo sa dibdib. Maganda naman s'ya. Pero, by 2nd year. May sarili nang uniform ang bawat department.

It's actually custom made for Architecture Student like me. May blazer siya, isa itong polo shirt at may blazer na bagay na bagay sa shirt. Naka pencil cut skirt ako. May choices naman, you can choose pencil cut skirt or a pants. Eh, kaso, mainit. May set din naman ako ng uniform na may pants. Kaso, hassle naman siya masyado.

Buti ay air-conditioned ang rooms. It makes the situation less stressful naman.

Inayos ko ang bangs ko na manipis, at hinayaang nakababa ang buhok kong wavy bago iblow dry ito. Naglagay din ako ng kaonting cheektint na medyo pale para di halatang naglagay ako, parang nagblush lang ng kaonti, ganon.

Actually, usapan talaga namin ni Dianne ang bangs na to. Short hair siya at may bangs, shoulder length. Bagay sakanya, mas matangkad din siya sakin. Kung 5'5 ako, siguro ay 5'8 siya. She could actually pass as a model. Ayaw niya lang. Enough na daw ang pakielamera sa buhay niya, wag na raw dagdagan. Loka.

"Thalie?" Ibinaba ko ang blower ko at pinatay ito panandalian nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Opo, gising na!" I shouted inside, enough for nanay eda to hear.

Minadali kong ayusin ang gagawin ko bago ako lumabas. Dala dala ang bag ko, na naglalaman ng kung ano ano. I usually left my things, school things to be exat, sa locker ko. That's more safer, i can't tell kung kailan sila masisira if ever bitbit bitbit ko sila anywhere. Advance thinking.

Nang makababa ako ay ibinaba ko ang bag ko sa sofa bago dumiretso sa kitchen. Naamoy ko na nag iniluluto ni Nanay Eda. Fried rice?! Yeeees!

"Good Morning to the most beautiful nanay in the entire universe!" I lively greet her.

"Maupo ka nalang, etong batang ito.. Naku, kahit kailan talaga.." She said while smiling.

I pouted. "Ayaw mo nun, nay?"

"Oh sya sya!. Maupo ka na, baka malate ka pa sa kalokohan mo.." I chuckled. Hinila ko ang pinakamalapit na upuan at naupo roon.

"Saan po sila mama?"

"Si Mildred, nasa kwarto pa. Si Neil naman ay kakaalis alis lang.." Sabi niya habang sinasalin ang kung niluto niya.

"Eh si Vible po?"

"Hindi ko napansin, iha. Hindi lumapit dito para sa gatas niya.." Agad akong tumayo at nagmamadaling tumakbo kung saan possible na naroon si Vible.

Tiningnan ko siya sa kwarto ko, may higaan siya roon at pwede siyang pumasok dahil may pintuan na maliit para sakanya sa ibaba. Pero wala siya..

"Vible!" I said before i whistle.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon