YBWM25

33 4 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

I was just kidding when i said i already found my peace. Peace my ass. I can't be in peace if i am with chaotic people!. Aish!.

"Defeat nanaman!" Inis na sabi ni Gab.

"Malas ka, may balat ka ba sa pwet?" Keshia asked.

Magkalaro ata sila ng ML. Naglalaro rin ako nyan dati, kaso, itinigil ko na kasi dinelete ni Gio ang app sa cellphone ko. Nawawalan na raw ako ng oras sakanya.

Napangiti ako sa naalala ko.

"Gago, giftan mo ako ng skin ni Karina mamaya. Bogus ka" I almost facepalm.

Sinisira nila ang imagination ko, psh.

"Wews, bobo ka naman maglaro. Dahil sayo, nabawasan star ko. Mythical Glory na sana ako, pucha" Sagot naman ni Gab.

Nandito kami sa Site. Mukha akong tanga habang nakikinig sakanila. Parang mga bata.

"Kapal ng mukha mo. Yung Legend ko kanina, bumagsak sa epic." Inis na inis na sabi ni Keshia habang nakatutok sa cellphone niya. "Bobo kalaro amp. Mayabang ka lang pala talaga"

"Oh, talaga ba, Karina'ng napatay ng red buff"

"Oo, tangang Lancelot na akala mo naman magaling, nang aagaw lang naman ng buffs at kills, ew" Umakto pa itong nag papagpag ng balikat at inirapan si Gabriel.

"Jusko" I whispered to myself.

Tumayo ako at umalis sa pagitan nila. Hindi ko kaya!. Umaga palang puro na kabalastugan na salita ang naririnig ko sakanilanh dalawa.

Wala akong choice kundi pumuntang muli dito sa site. Nagagalit daw ang may ari.

Tanga?. Wala pa nga yung part ko!. Bob– Ayan nahawa na tuloy ako. Kainis.

"Magandang umaga ho, arkitek" Bati saakin ng medyo may katandaan nang trabahador.

Hindi pa siya nag uumpisa magtrabaho dahil nakaupo lang siya sa gazebo.

"Magandang umaga po" Nakangiti kong bati.

"Napaka aga niyo naman ho rito?" Magalang na tanong niya.

"Nagagalit daw ang amo" Bulong ko bago maupo sa tabi niya.

Mabuti at naka denim na high waist pants ako at tshirt lang. Nakakatamad mag hanap ng magandang susuutin kung dito lang naman ang pupuntahan ko. Pag uwi ko ay mukha lang din naman akong trabahante na tila ba nagbubuhat din ako ng semento sa alikabok ko.

"Sinong amo?" Natatawang sabi niya.

"Yung may ari nyan" Turo ko gamit ang nguso ko.

Nakasanayan na HAHA.

"Mabait yun, Ma'am. Naku" Tumatawang sabi niya saakin.

Bumusangot ang mukha ko. "Sinungitan niya ako, tay" I pouted.

"Baka naman may nagawa kang mali, Ma'am?" Tanong niya saakin.

"Wala naman po!. Nung una po kasing kita namin ay yung may nambastos na trabahante saakin dito, saakin siya nagalit imbes na roon sa lalaki" Nakangusong sabi ko. Luminga ako bago mag salitang muli. "Nasaan na nga pala yun?"

"Yung alin?" Takang tanong niya.

"Yung lalaking nambastos saakin nung nakaraang buwan"

"Pina tanggal na ni Ser" Napalingon ako sakanya.

"Sinong ser yan, tay?" Hindi na ako pwedeng mag assume!. No!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon