YBWM20

35 4 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

March 28 arrives. It's my 22nd's birthday!. Grabe, 4th year na rin ako. Isang kembot nalang matatapos na ako. Hay!.

Iniisip ko kung saang kumpanya ako dapat mag apply for internship. Gusto ko sana sa kumpanya nila Dianne, kaso, nakakahiya naman!. Sabi naman niya uuwi raw siya pag ka graduate namin at sabay raw kaming mag hanap ng kumpanya.

"Ate, limang stick nga po ng isaw at limang stick din po ng Betamax. Tyaka po cheese sticks." I said happily. "Salamat po!"

Nagbayad ako sa cashier nila at naghanap ng mauupuan. Sakto namang may upuan na free sa medyo madilim na parte ng crossing.

Yung crossing kasi is parang food park siya, so, pag nag order ka. You can freely seat kahit saan mo gusto dahil may nakaset na mga upuan at lamesa sa tapat ng mga food stalls. Ang ganda nga dito e.

5pm na, umalis ako para mapagisa. Tyaka, to eat what i want nga. Sakto namang buhay na ang fairy lights nila kaya ang ganda lalo ng ambiance dito.

Last week lang natapos ang school year, ang aga nga e. Pero, ok na rin. Hindi na ako magcocomplain.

Inilabas ko ang cellphone ko at nagscroll sa instagram feed ko. May mga notifications ng mga tags saakin dahil nga birthday ko. Karamihan ay mga lalaki pero pinili ko paring magpasalamat. Nakaattach sa posts nila ang pictures namin together, probably pag may events.

Nakakatuwa rin naman. Ang mga kaibigan ko naman ay hindi raw makakapunta ngayon. Ayos lang naman. Naiintindihan ko kung may ginagawa sila. Masaya pa rin ako dahil hindi ako pinabayaan at binigyan pa ako ng isang pagkakataon para mabuhay.

Pinicturan ko ang fairy lights. Balak ko sana itong ipost ng may kumalabit saakin.

"Picturan kita" Nanlaki ang mata ko.

"Hello!." Tatayo sana ako ng bigla niyang hinawakan ang ulo ko at itinulak ako paupo ulit.

Napanguso ako. "Bad mo naman."

Pumunta siya sa harapang upuan ko at nagsimula nang tumunog ang camera ng phone habang hindi pa ako ready.

Sure ako ang papangit nyan!.

"Ay, phone ko pala yon." Tumawa siya at nagulat naman ako. Ibinaba niya ang phone niya at ngumisi saakin.

"Siraulo ka!" Kinuha niya ang cellphone ko sa harap ko.

"Oh, umayos ka na.."

Ngumuso ako sa camera at nagsimula na siyang kumuha ng pictures. Nang matapos ay agad niya itong ibinigay saakin.

Tiningnan ko ito at maayos naman lahat. Ipinost ko lahat iyon kasama ang fairy lights na kuha ko kanina. Nilagyan ko ito ng caption na '22'.

Hinintay ko itong mapost lahat. Bago ko siya balingan ng tingin.

"Happy Birthday, Miss!" Napangiti ako.

"Salamat!" Tinanggap ko ang isang pirasong roses na inaabot niya saakin kasama ang isang papel at toblerone.

Ang cute niya.

"Nag abala ka pa!" Pabiro ko siyang inirapan.

"Basta ikaw!, nanginginig pa!" Nagtawanan kaming dalawa ni Gio.

Naging close kami sa mga nagdaang bwan. Hindi ko alam kung papaano, basta, ang alam ko sumusulpot nalang siya sa mga hindi ko inaasahang oras.

"Anong nakasulat dito?" Itinaas ko ang roses dahil nakatali roon ang papel na nakarolyo.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon