YBWM12

42 5 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

Being with someone you used to be with you is cool. But, being alone is the best!.

I mean, i love silent places. Mas narerelax ako pag mag isa lang ako. Mas gusto ko pang kasama si Vible kesa makipag kwentuhan maghapon.

Ah, i miss my bed. Inunat ko ang likod ko bago nagpatuloy sa pag susulat.

Lunch time naman, at wala akong magawa. Kaya, gagawin ko nalang yung mga pinatake home na questions saamin sa Biology.

And, speaking of Biology. Hindi na yung masungit na teacher ang professor namin sa Biology. Napaalis siya sa school dahil may iba pang estudyante ang nagrereklamo.

Wala naman sa intensyon kong mapaalis siya. Syempre, nakakaawa parin dahil malapit na siya maging senior citizen tapos natanggal pa siya dito sa university.

Pero, hello?. Hindi naman kasi makatarungan yung ginawa niya saamin. Hindi lang naman pala ako ang nasaktan non!.

Ang iba raw ay pinipingot pa. Syempre, against sa law na yun. 

There is no absolute authority for teacher to beat or punish the child. Even if the statutory bodies like Universities, Intermediate Board, Secondary Education Board, cannot infringe any fundamental right of the student to live with dignity. The law and procedure should not be with patent errors. Yan ang nakasaad sa batas.

Kahit college students na kami, sakop pa rin kami ng batas na yan dahil estudyante parin kami. He should be in jail, pero, our dean decided to kick his ass out of our school.

"Ganda!" Kumunot ang noo ko sa boses na narinig ko sa likod ko.

*dugdug* *dugdug*

Halos dalawang bwan na rin kaming laging magkasama, pero, bakit bawat araw palakas ng palakas yung tibok ng puso ko pag naririnig o nakikita ko siya?...

Hinawakan ko ang dibdib ko para pakiramdaman ito.

"Hoy!" Inangat ko ang tingin ko sakanya. Nakataas ang kilay ko dahil naabala ako sa ginagawa ko.

Kahit gusto ko siya, hindi dapat ako nagpapadistract masyado ano!.

Tiningnan ko ang kabuoan niya. Nakashirt lang siya at gray na jersey shorts. Mukha ring kagagaling lang sa pawis. Pero, hindi siya mukhang maasim!. Jusko!.

Ang gwapo naman po kahit pawisan!

"Nakapasa ako sa training!" Nanlaki ang mata ko sa ibinalita niya saakin.

Nandito kami sa field. Nakaupo sa isang bench, dito ako usually gumagawa ng school works pag mag isa lang ako.

Nagulat nga ako at nahanap niya ako dito.

"Hala, gag–" Akmang sasapakin niya ang bunganga ko kaya nagtawanan kami.

"Totoo?, buti di ka binagsak?. Bano ka pa naman maglaro!" I teased him.

"Baka Travis to?" Umakto siyang piniflex ang biceps niya.

Ah, busog..

"Baka nagkalat ka lang sa court kanina, or nagpacute kay coach." Umakto akong nagiisip. I teased him more.

Bumagsak ang balikat niya at akmang sasabunutan ako ng isinenyas ko ang maayos na ponny tail ko. I worked hard to achieve this one!.

"Ano ba yang ginagawa mo?" Sinilip niya ang mga paper works ko na nakalatag sa wooden table.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon