YBWM23

35 4 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

"G-gab.. He's back.."

"What??" Naguguluhang sabi niya.

"S-si travis, g-gab.. He's back!" I said, clearly now.

"Sinong Travis?" Napasapo ako sa noo ko habang nagpupunas ng luha.

"Uuwi muna akong Bulacan.. pakiemail nalang ako if kailangan na ako rito." Sabi ko sabay baba sa sasakyan niya.

26 years old na ako, at successful na rin ang buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit iniiyakan ko pa siya samantalang may Gio na ako sa buhay ko.

Our relationship last for a years. 4th year ako ng sinagot ko siya at nag propose siya saakin ngayong taon.

Inalagaan niya ako. Pinaramdam niya saakin na mahal niya ako kaya dapat lang na suklian ko yon.

"Hindi ako pwedeng magkaganito.." Pagtampal ko sa sarili kong pisngi.

Nang makarating ako sa sasakyan ko ay agad kong tinawagan si Dianne.

"Yes, bitch"

"Nasaan ka?" i asked her.

My voice is clear now. Pero, halatang kagagaling lang sa pag iyak.

"Sa makati, bakit?" Naririnig ko ang pag nguya niya.

"May ikukwento ako.."

Kailangan ko ng makakausap dito ngayon. Hindi ako pwedeng magkaganito dahil hindi naman dapat.

Napatingin ako sa singsing na ibinigay ni Gio saakin. Huminga ako ng malalim. Para humugot ng lakas ng loob tawagan si Gio.

"Kakamustahin ko lang.." I convinced my self while looking outside.

Tinipa ko ang number niya at hinintay ang pag sagot niya. Nakailang tawag ako ngunit hindi siya sumagot.

May kung ano saakin na parang relieved na hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung para saan.. I sighed.

Nagmamadali akong umalis para bumyahe papuntang Makati. Dapat ay hindi ko nalang tinanggap ang project na to.

Posible bang siya ang may ari nyan?. Hindi pwede..

Mabilis ang naging byahe ko, agad agad akong bumaba at pumasok sa building na tinitirahan ni Dianne.

Kilala ako ng mga staffs dito dahil madalas akong pumunta rito.

Pag pasok ko sa unit niya ay nakita ko siyang nakasalampak sa sofa at kumakain ng popcorn habang nakatutok sa tv.

"Dianne.." I weakly called her name.

"What happened?"

Alam kong wala siyang ideya kay Travis kaya ikinwento ko lahat sakanya hanggang sa nakita ko siya kanina.

"Yung nararamdaman ko, katulad na katulad pa rin nung naiwan niya ako dito.."

"Tangina?" Mura niya habang nakatingin saakin.

"H-hindi ko alam, dianne.." Naluluhang sabi ko.

"Basta, nakita ko siya kanina. Tapos, parang bumalik lahat ng nararamdaman ko sakanya.." Umiiling na sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga palad.

"Paano si Gio?" Napataas ang tingin ko ng itanong niya saakin si Gio.

"Ilang taon kayo ni Gio, Maui." Napaiwas ako ng tingin habang pinipigilan ang mga luha ko.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon