SPECIAL CHAPTER (2)

39 2 0
                                    

YOU BELONG WITH ME

"Love.." Agad akong bumalik sa pag kakadilat ng kalabitin ako ng asawa ko.

"Hmm? What happened?" Inilibot ko ang paningin ko sakanya, kusa namang dumapo ang palad ko sa tyan n'ya.

We're having our 2nd baby, and he or she's currently in her womb. Yes, we want it surprise so, we both don't know the gender of our baby.

She pouted her perfect pinkish lips.

It's tempting me!

Bumangon ako ng kaonti at binuhay ang lamp sa tabi n'ya. I comb her hair using my hands to remove the few strands of her silky hair in her beautiful face.

Gorgeous, I said at the back of my head.

"What's the problem?" Malambing kong tanong.

She sighs.

"Gusto ko lang marinig kang mag salita.." Napahinga ako ng malalim.

Ibang klase rin ang gusto n'ya ngayong buntis s'ya. Halatang ako ang pinag lilihihan. Baka naman ako naman na ang kamukha ngayon?

Napangisi ako sa mga iniisip ko, pero napabalik ako sa reyalidad ng sampalin n'ya ako ng mahina.

"Mukha kang tanga, anong nginingiti mo dyan?" Nakairap n'yang saad sa'kin.

I chuckled softly and hugged her.

"Pinag lilihian mo na ba ako?" Malambing kong saad.

Pabiro n'ya akong kinurot sa tagiliran ko. Tinawanan ko lang s'ya at pinupog ng halik ang mukha n'ya.

"Are you hungry?" Tanong ko sakanya habang hinihimas ang tyan n'yang malaki na.

She's in her 2nd trimester, and i'm just fooling myself that she's still in her cravings. Alam ko namang hindi ako ang pinag lihian n'ya!

Lagi nalang! Sa pangatlo, siguradong ako na ang pag lilihihan n'ya. Sisiguraduhin ko na talaga!

"Pag timpla mo nga ako ng gatas.." Bulong n'ya sa leeg ko.

Inipit ko s'ya sa yakap ko at tumango.

"Matulog ka na pag katapos, mag uumaga na." I said.

"Ay weh? Anong oras na ba?"

Tumayo s'ya at pinindot ang digital na alarm clock namin sa side table sa tabi n'ya para tingnan ang oras.

"Luh, gago? Alas tres na pala?" Hindi makapaniwalang saad n'ya na ikinangiwi ko.

"Ewan ko ba sa'yo.." Tumayo na ako sa kama at sinuot ang tshirt ko.

Binuksan ko ang ilaw sa loob ng kwarto namin.

Baka kasi tumayo nanaman s'ya, tapos madilim ang paligid. Mahirap na! Dapat sigurado agad na walang mangyayari, diba? I'm also putting sleepers sa ibaba ng side n'ya para masuot n'ya pag tatayo s'ya. Matigas pa naman ang ulo n'yan.

Bago ako dumiretso sa kusina, lumiko muna ako sa kabilang parte ng bahay para tingnan ang anak ko.

Takimi's sleeping soundly. Lumapit ako sa kama n'ya at tinitigan lang ang mukha n'ya.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon