Isa

6.9K 145 4
                                        

Isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa

    Nanginginig ang mga kamay ko nang ginawa kong magtipa sa cellphone na hawak para tawagan si Eunice. Aligagang-aligaga ako habang sinusundan ang isang babaeng gigiya sa akin sa opisina raw umano ng boss nila.

    “Hoy, ano? Hindi pa rin kayo tapos?”

    Hindi ko basta pinansin ang pambungad niya, pagkatapos ay parang hinahabol ako ng kabayong nagsalita. “You won’t believe what’s happening to me right now, Eu.”

    “Spill!” she said, mukhang kumakai na naman kung saan ang babae dahil rinig na rinig ko ang pagnguya nito.

    “I think I got hired–”

    “Fuck? This instant?” Dahil sa sagot ay pinalagay kong wala pang resulta ang interview sakanila.

    “Yup, but–”

    “But?”

    “There is this guy–”

    “Guy who?”

    Napapikit na lang ako sa sobrang pagtitimpi sa kaibigan. Kailan kaya ako nito patatapusin ng babae sa pagsasalita?

    “The CEO, I guess–”

    “The CEO?!”

    Nawalan na ako ng pasensya sa kaibigan kaya mabilis ko nang ibinaba iyon kasabay ng pagpasok ko sa magarang opisinang naroon.

    “You can come in, Miss Lorenzo.”

    Nang makapasok, para akong kriminal na matiim na tiningnan ng dalawang lalaking nasa kwarto. Ang isa ay iyong lalaking mukhang boss, ang isa naman ay hindi pa pamilyar sa akin.

    Hindi ko maintindihan ang dalawa pero kung naririto lang si Eunice ay paniguradong hindi na iyon makahinga sa kakatawa.

    It is as if they are interrogating me kahit pa tinititigan lang nila ako.

    Ang hindi pamilyar na lalaki ang unang nagsalita, “That’s enough. Lady, can you tell me your name?” Bahagya itong nag-ayos ng tayo at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.

    “Uh. . . interview ba ‘to ulit?”

    Hindi ako makapaniwala nang malakas na humalakhak ang lalaking naunang nagtanong. Mabilis na itong lumapit sa akin para magpakilala. “I am Attorney Nicolo Flores of Affaires Legales. Hindi ako taga-rito, but I guess you’ll see me often.”

    Inabot ko ang business card na inabot ng lalaki at nakipagkamay, “I am Iris Vienna Lorenzo, Attorney.”

    “Iris Vienna?”

    Dahil nagsalita, saka ko pa lang muli nabalingan ng tingin ang iniisip kong boss nila. Prente itong nakaupo at nakakunot ang noo habang pilit atang inaanalisa ang kabuuan kong anyo.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon