Dalawampu

2.6K 82 3
                                        

Dalawampu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampu

Ikamamatay ko ata ang takot pero mas tinatagan ko ang loob. Hindi basta-basta lang ang pagiging takot sa bagay na iyon, it has something to do with all the things that is happening right now.

Paano ako matatakot sa eroplano kung ni minsan ay hindi pa naman ako nakasakay roon? Paunti-onti, hindi ko na naiintindihan ang nangyayari.

There will times that I am questioning myself kung ano ba talaga, sino ba talaga, bakit at paano nangyayari ang mga ito.

Wala na ang hiya sa akin nang bigla kong hilain ang braso ng boss at nagsumiksik nang magsimula kaming maglakad patungo sa departure area ng airport. Kami lang ni Mr. Cortez ang naroon pati na ang personal driver nito.

Paulit-ulit akong bumuntong-hininga. We should always face our fear, ika nga, pero pakiramdam ko ay mas gugustuhin ko na lang magmukmok sa kung saan kaysa sumakay sa eroplano.

"Hey. . . are you really sure about this?" pagtatanong nitong muli.

Tumigil ito sa paglalakad pagkatapos ay malamlam ang mata akong tiningnan. "I told you, pwede namang magpaiwan ka. I could ask-"

"I can do it, Sir."

Dapat lang na harapin ko ang kung anong kinatatakutan habang may pagkakataon pa. Mahirap nang makasakay sa eroplano ngayon, ano! Napakamahal na ng bayad.



"What happened?" Itinigil ni Mr. Cortez ang tawag, pagkatapos ay itinuon ang buong atensyon sa akin. "Are you hurt?"

"It scares me. . ." tapat kong pahayag sa lalaki. Kinuha ko rin ang water bottle na naroon at uminom muna bago dugtungan ang sinasabi. "The thought of riding in an airplane. . . it scares me, to death."

Matagal na nagpakurap-kurap ang lalaki sa harapan ko. Hindi rin nagtagal noong bumalik sa ayos ang paghinga pati na ang pagwawala ng dibdib. Nawala na rin ang mga hindi pamilyar na boses sa isip.

"Then, you shouldn't do it," desididong pahayag ng lalaki. "We shouldn't force to-"

"No, sasama ako."

Agad na nagpahayag ng hindi pagsang-ayon ang lalaki. Mabilis dumapo ang kamay niya sa aking noo. "We can't risk it. Ako ng bahala, okay? Stay here, ikaw muna ang bahala sa mga paparating na trabaho for about a week. You can work-"

"Isama niyo na ako, Mr. Cortez," tuluyan kong pangungumbinsi. "I need to confirm something."



I need to confirm something-kung bakit at sa paanong paraan natatakot ako sa pagsakay sa eroplano. In fact, kailangan kong mas maging matapang para sa sarili.

"Walang rason para matakot ako sa eroplano," kaagad kong gagad. Kita ko na ang napakalaging sasakyang iyon at pilit kong ibinabaliktad ang kung anong nasa isip.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon