Labing-siyam

2.2K 68 3
                                    

Labing-siyam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Labing-siyam

    “Pumayag ka?” hindi makapaniwalang gagad ni Eunice nang ikwento ko rito ang nangyari kagabi. “Pumayag kang maging magkaibigan kayo nang gano’n gano’n lang?”

    Sinabi ko kasi ang lahat, wala akong itinago sa mga kaibigan. Isa pa, hindi naman dapat na itago ang mga nangyayari. They could actually help me straighten up all my thoughts.

    Ang kaso lang, hindi mapakalagay si Ashley dahil nawala na raw umano ang tiwala niya sa lalaki.

    Nathaniel, on the other hand, told us na wala namang masama kung magiging magkaibigan kami ng boss dahil iyon naman daw talaga ang gusto ko una pa lang.

    Iyon din talaga ang gusto ko.

    Tinanggap ko ang nilahad na kamay ng lalaki kagabi dahil ginusto kong maging kaibigan ng lalaki. I know that I might not be right dahil kamukha ako ng babaeng mahal niya, pero hindi ko rin naman matitiis na ganoon si Mr. Cortez.

    He feels devastated, frustrated and lonely. He needs everything, kailangan niyo iyong mga taong makapagpaparamdam sakanyang hindi siya nag-iisa.

    Alam kong mataas din ang lebel ang pakikiramay ko sa problema ng mga taong malapit sa akin kaya hindi na mahirap ang tanggapin iyon.

    Hindi na rin naman nagtagal ang lalaki sa ospital. Pagkaraan lang ng ilang minutong pagkukwentuhan tungkol kay Azi at sa opisina kagabi ay umuwi na rin agad ito’t nagbiling ituloy ko ang pagpapahinga.

    “Ako, Diyos ko, Nathaniel, pigilan mo ako! Mababatukan ko ‘tong kagagaling lang na kaibigan mo,” aligagang sabi ni Eunice. Kitang-kita pa rin ang pagkainis sa mukha nito na tinawanan na lang namin ni Nathan.

    “Aren’t you hungry?” pag-iiba ko ng topic. Minabuti kong piliin ang pagkain para mapag-usapan dahil siguradong titigil ang kaibigan.

    “Just wait. Pagkalabas mo rito, we’ll go to a buffet, mamatay ka sa kakakain.”
   
    Napailing na lang ako. Iba rin talaga ang tabas ng dila nitong si Eunice.

    Pagkatapos ng pananghalian, ang paglabas ko naman ang inasikaso naming magkakaibigan. Hindi ko na rin muna tinawagan ang mga magulang dahil ayaw kong mag-alala ang mga ito.

    In fact, simpleng pagkawala ng malay lang naman ang nangyari kaya hindi rin magiging worth it ang pagpapaalam sa mga magulang.

    Wala kaming binayarang hospital bills ni singkong duling. Nakalabas kami sa ospital na para bang isang free-entrance ng isang parke. Hindi tuluyan namin mapigilang mamangha. Nadala namin ang pagkukwentuhan hanggang sa makapasok sa isang buffet place, katulad nang sinabi ni Eunice.

    Halos manubig naman ang bagang ko. Kumikislap-kislap pa ang mata ko habang nag-aantay sa pila upang makakuha ng pagkain. Sa ilang araw ring napapatili sa ospital, mukhang lahat ata ng putaheng nakahanda ay papasok sa tiyan ko.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon