Tatlumpu't tatlo

2.4K 67 2
                                    

Tatlumpu't tatlo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlumpu't tatlo

    Sa mga sumunod na minuto, para ako iyong sanggol na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Hindi ako makaiyak, hindi ako makagalaw at makapagsalita. Hindi ko marinig ang ilang ulit na panaghoy ni Allison Cortez dahil sa ginawa sa sarili nitong anak.
    Kahit pa nga nagawa nang maiangat ang walang malay na katawan ni Azrael ay hindi ko pa rin magawang maihakbang ang aking mga paa.
    Para bang mayroong switch off ang sistema ko’t na-activate ito ngayon.
    Hindi ko magawang ma-proseso ang nangyayari dahil hindi ko kayang tanggapin na ang lalaki ang nagawang sumalo ng bala na dapat ay para sa akin.
    Mabilis at madulas ang naging pagpasok ng mga masasayang alaala namin ng lalaki—ang unang pagkikita, ang unang mga tawa dahil sa isa’t isa, ang pagtakas sa media, ang pagro-road trip kapag hatinggabi, ang mga ngiti pagkatapos ng luha. Naalala ko rin iyong unang beses kaming nagsama sa iisang bubong, ang unang beses na hinarap namin si Azi, ang pag-iisip sa pangalan nito pati na ang pag-aalaga.
    Lahat ng aalalang iyon, parang naging slideshow presentation sa isip ko na nagtagal ng dalawang segundo.
    “Athena, tara na. We really need to go!”
    Muli akong tumingin sa ibaba, lugar kung saan bumagsak ang lalaki, lugar na napuno ng dugo.
    Wala sa sarili kong nilingon ang mga kaibigan, naroon si Nathan at Eunice na pawang pag-aalala ang nasa mukha.
    “Athena, get a hold of yourself. Kailangan din nating pumunta sa ospital.”
    Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa kong masama, kng saan ba ako nagkamali para parusahan ako nang ganito. For once, wala naman akong inisip kundi ang kabutihan ng mga tao sa paligid ko.
    I actaully becme really happy when I met Azrael. Sakanya kasi walang pressure, sakanya pwede akong maging totoong ako, sa likod man ng kamera at mga tao.
    Sakanya lang ako may pagkakataong maging ako.
    Pero parang hindi pa iyon ang para sa akin.
    Bumalik sa isip ko ang nagkalat na dugo sa sahig ng abandonadong lugar na iyon. Mas katanggap-tanggap ata kung sa akin iyon galing, mas hindi siguro ganoon kasakit at siguradong mas kakayanin ko.
    Azrael. . . he did save me from that bullet pero hindi niya naman ako mailigtas sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
    "Bakit niya ginawa yon?" pakuwari kong gagad. Kasama ko ang mga kaibigan sa loob ng isang sasakyan samantalang nauna na ang ambulansyang sinasakyan ni Azrael.
    Mas okay ako sa lugar, hindi ko ata kakayaning nakikita ko ang lalaking nakahiga at walang malay habang patuloy na pinagtutulungang buhatin ng kung sino.
    Bakit?
    Hanggang ngayon ba hindi pa rin sang-ayon ang Panginoon sa pagsasama namin ng lalaki? Hanggang ngayon ba, hahadlangan niya pa rin ang lahat?
    "Ivy, listen--"
    "Do you think I deserve this?"
    Wala pa rin akong maigalaw sa katawan ko. Pakramdam ko, ang puso lang ngayon ang gumagalaw, nagwawala at kumakalabog.
    Gusto kong makita si Azrael doon, gusto ko siyang yakapin at kausapin. Gustuin ko man siyang samahan at sabihing magiging maayos din ang lahat, wala akong lakas.
    I wanted to tell him how much worried I am, gusto ko siyang pagalitan dahil sa ginawa, gusto ko siyang sigawan, pero hindi ko magalaw nang maayos kahit ang bibig.
    "Of course you don't. Ivy, ano ba 'yang sinasabi--"
    "I am not even that Ivy," tahasan kong sabi sa mga ito. Kanina ko pa itinitigil ang pagsasalita ni Eunice gayong alam kong labis-labis ang pag-aalala nito sa akin. "pati pagkatao ko, pinagkait pa sa akin, eh. I lived for a different personality for two years. Kahit ako. . . hanggang ngayon, pakiramdam ko pa rin. . . hindi ko kilala ang sarili ko."
    "And all of these happened becase of Allison Cortez!" pagtutuloy ni Eunice sa sinasabi. "Pagbabayaran niya na ang ginawa niya ngayon. . . I promise."
    "But He let this happen," walang pagdadalawang-isip kong sambit. Pinunas ko ang mga luha sa magkabilang pisngi bago ito muling mapalitan ng bago. "Hinayaan Niyang mangyari ito. Don’t you think it's unfair?"
    Noon pa man, hindi ako madasalin. Kaya ngayon, ang bagay na iyon ang isa sa mga rason kung bakit ko naiisip na pinarurusahan Niya ako. But then, back to the old days, I've never once doubted Him.
    Kinikilala ko siya bilang Panginoon kahit pa madalas akong hindi lumalapit dito.
    Pero ngayon, pagkatapos ng lahat ng nangyari. HIndi ko na alam kung ano pa ang paniniwalaan. Kung totoo ba talaga Siya, kung talagang nakikita Niya ang lahat. . . bakit?
    Kung talagang napipigilan nito ang kasamaan katulad ng sinasabi ng karamihan, bakit hinayaan niya lang akong maranasan ang lahat ng ito?
    Bakit kailangan kong palaging masaktan bago maging masaya sa madaling panahon?
    Nang makarating sa ospital, nag-aabang na ang daan-daang reporters para makahingi ng kahit na anong statement sa biktma, lalong-lalo na sa salarin ng lahat.
    I've never once liked the media. Siguro ay dahil na rin isa akong public figure noong hawak ko pa ang korona ng Miss Philippines-Earth. Ilang beses ko ring nakadaupang-palad ang mga reporters at hindi naging kaaya-aya ang experience na iyon.
    Despite my role in showbusiness, pribado rin talaga akong tao. Most of the time, I don't want to show off things that I have, I buy, I accomplished. Celebration lang kasama ang pamilya't malalapit na kaibigan ay okay na ako.
    Well, it didn't become the same noong lumabas ako sa mundo na kesyo pagbili ko ng medyas sa isang convience store noon dahil sa pagmamadali ay naging isyu sa madla–na kesyo hindi raw ako maalaga sa katawan gayong katawana’t sarili ko raw ang puhunan ko.
    I was really furious back then. Napakaliit na bagay lang ng medyas pero nagawa nila iyong ipaaam sa buong Pilipinas.   
    Ilan lang iyon sa mga bagay na labis ko talagang kinainis pero not until I realized na hindi pala tayo ang dapat na ginagamit ng media. . . dapat tayo ang gumagamit sa media, lalong-lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
    Agad na nagsunuran ang mga ito nang makita ang pagbababa ko sa sasakyan. Malaki ang naging pasasalamat ko sa mga kaibigan dahil pilit nila akong inalalayan habang tuloy-tuloy ang mga ito sa pandudumog.
    "Miss Pelayo, may ideya na po ba kayo sa nangyayari?"
    "Everyone thinks that you're dead. Ngayong nagbabalik kang muli, ano ang masasabi mo sa mga nadatnan?"
    "May alam ba si Mr. Cortez, ang CEO ng AC Constructions, sa mga nagyayari?"
    "Ano pong masasabi niyo?"
    "Pineke niyo lang ba ang pagkamatay dalawang taon na ang nakaraan para makaganti?"
    Mabilis na nagpantig ang tainga ko sa narinig. Mabilis nawala sa isip ko kung gaano kalupit ang mga bibig ng mga ito. Pansamantala kong nakalimutang kayang-kaya nilang ibahin ang pinaniniwalaan mo sa mumunting mga salita lamang.
    Bago ko pa man lingunin, hanapin ang kung sino man ang nagtanong ay mabilis kong naramdaman ang paghawak ni Nathaniel sa aking braso.
    Nangungusap na mga mata ang hinarap nito sa akin, kinukumbinsi akong huwag hayaan ang sariling magkamali at magtiis na muna kahit pa sa maikling panahon na lang.
    Sumang-ayon ako sa kaibigan at nanahimik. Nilingon ko rin si Eunice na alam kong sobra-sobra ring nagpipigil ngayon dahil sa labis na pamumula ng mukha.
    Inubos ko ang mga sumunod na oras sa pagpapatingin sa doktor. Wala pa rin akong lakas na dalawin si Azrael sa kwarto nito.
    Hindi ko rin nagawang makipa-usap sa doktor nito mula sa Emergency Room at hinayaang si Eunice ang magkwento.
    Maayos ang naging surgery sa pagtatatanggal ng bala sa katawan ng lalaki. Natagalan iyon pero naging matagumpay kaya lang, hanggang ngayon inaantay pa ring magkamalay ang lalaki.
    Gustuhin ko mang makita si azrael, hindi ko alam kung bakit hindi ako makahanap ng lakas ng loob para ihakbang ang mga paa papunta sa kwarto nito.
    Marahil ay naramdaman ko na ang hiya. . . ang guilt, ang sakit at hindi pagtanggap.
    Labis-labis akong nag-aalala pero alam kong hindi ito ang panahon para maging mahina. Kailangan kong lumaban hindi na lang para sa sarili kundi para sa lalaking mahal na nakaratay ngayon.
    Alam kong kailagan ko silang ipaglaban.
    Hindi naman ganoon kalaki ang kahilingang iyon.
    Hindi naman masamang hilingin na maging malaya at masaya.
    Dalawang araw ang pinalipas ko sa ospital na iyon bago tuluyang lumabas. Still, I didn't even thought about being with Azrael. Hindi ko pa rin kaya na makita itong halos nakadikit sa kama ang walang malay.
    But then, I made a promise. . . a promise to protect him and to do everything I can for our family.
    Suot ang pulang miniskirt at puting backless top, ipinasada ko ang sarili sa mga reporters na hanggang ngayon ay nag-aabang pa rin sa labas. Wala kong sinayang na pagkakataon at nilapitan pa sila.
    Mabilis na nagliparan ang mga tanong, paulit-ulit. . . lahat nag-aantay ng kasagutan at hinding-hindi magiging malinaw sa kahit na anong aspeto maliban kung kami mismo ang magpaintindi sa lahat.
    Mukhang wala ring sinasabi ng pulis sa bagay na ito at pawang pagpokus lang sa mga krimeng nagawa ni Allison Cortez.
    "Miss Athena!"
    "Miss Pelayo, may ideya na po ba kayo sa nangyayari?"
    "Everyone thinks that you're dead. Ngayong nagbabalik kangmuli, ano ang masasabi mo sa mga nadatnan?"
    "May alam ba si Mr. Cortez, ang CEO ng AC Constructions sa mga nagyayari?"
    "Ano pong masasabi niyo?"
    Hindi ko pinansin ang tanong at dumeretso sa pinalano. "Good morning, everyone. Hindi ko muna sasagutin ang mga tanong, but I'll surely answer those sa upcoming press conference ng gagawin ng grupo ko. There, you can ask anything you like but make sure na dadaan iyon sa mga adviser. For now, just let me go. I'll see you soon."
    Ipinagpasalamat kong nakinig ang mga ito—well, at least for now dahil may naipangako, pero hndi ganoon katagal ang pasensya ng mga ito.
    Una kong pinuntahan ang detention center kung nasaan si Allison Cortez. Tuloy-tuloy ang proseso, pag-iimbestiga lalo na't pinabulaanang hindi lang iyon ang mga krimeng nagawa ng ginang—marami pa raw umanong iba.
    Hindi ko kasama ang mga kaibigan ngayong araw. Ilang beses ko kasi itong kinumbinsing hayaan akong kumilos patungkol sa kaso ng babae. In fact, that's the only thing I could do for my own family.
    Alam kong huli na at wala na marahil halaga pero ipakikita kong kaya ko pa ring gawin ang lahat.
    Pilit kong pinanatili ang pagiging seryoso ngunit kalmado ng mukha nang tuluyan kong makaharap ang ginang.
    Mapapansin kong iba ang mukha nito sa likod ng magagarang damit, alahas at kolorete. Ngayon, wala na itong ano mang kadise-disenyo sa katawan.
    "What are you doing here?"
    Ako na lang mismo ang napagod at napabuntong-hininga dahill sa babae. Hanggang ngayon, kahit pa dalawang araw na ito nangyari ay hindi ko pa rin kinakikitaan ng takot ang mukha ng babae. Kahit pa alam nutong nakaratay ang anak niya sa ospital dahil sa sariling kagagawan.
    Napatiim ako ng bagang at ibinalik ang titig ko rito. "Are you happy?"
    Patay-malisya itong tumawa-tawa, "What the fuck are you talking about--"
    "Sabi mo sakin, sisirain mo ang buhay ng kung sino man ang umagaw sa iyo ng pamilya mo, hindi ho ba?" panimula ko rito, sinabi ang kung ano talaga ang pakay.
    "Your husband. . . with all those embezzlement funds, iyong pagiging corrupt mo sa sarili niyang kompanya. He despise you. Hindi ba iyon ang gusto mo? Ang gusto mo bumagsak ang AC Constructions dahil inaagaw no’n ang oras ng asawa mo sa'yo. You wanted to keep him for all those years, gusto mong ikaw lang palagi ang naikita niya at sa iyo lang palagi ang atensyon niya. . . ngayon, where is he? Galit na galit ka sa nanay ko kasi iniiisip mong aagawin niya ulit ang asawa mo gayong may bago nang pamilya si mama, but look, you are wrong. HIndi maaagaw ng kung sino ang asawa mo, siya mismo ang aalis sa tabi mo. Siya mismo ang iiwan sa'yo--"
    "Shut up!"
    "—hindi mo pa rin ba naiisip 'yun? You wanted him to be at your side, you did every fucking thing you can pero ang lalaking iyon mismo ang umaayaw makita ka."
    "Manahimik ka! Putangina mo, manahimik ka!"
    Hindi ako tumigil, hindi sinunod ang sinasabi niya. Alam kong ito na kasi ang huling pagkakataon kong mailabas ang sama ng loob, ang pagkamuhi para sa babae. Hindi ko na magagawang personal na maghiganti at ang batas na ang gagawa noon.
    “Even Azrael! What? Ano, mas gusto mo pang mamatay na lang ang anak mo kaysa makasama ako? Anong klase kang ina–”
    “Hinding-hindi mo ako maiintindihan! Hinding-hindi ka magiging mabuting ina kay Azi. I won’t let you! I won’t even let you touch my apo!”
    “Kung mayro’n man–” Hindi kinaya ng boses ang pagsigaw kaya bahagya itong pumiyok bago sunod-sunod na naglabasan ang aking luha. “Kung mayro’n mang may karapatan kay Azrael? Kung mayroon mang may karapatan sa anak ko, ang sarili nila ‘yun. Wala ako ni isang pagma-may-ari. Pero kung mayro’n man! Kung mayro’n mang kayang maging isang mabuting asawa at ina, ako ‘yun. Hinding-hindi kita gagayahin. Hinding-hindi ka namin kailangan at walang nag-aantay na bumalik ka–”
    “The fight isn’t over, Athena. Hinding-hindi matatapos ang labang ito nang hindi ako nananalo, itatak mo ‘yan sa ambisyosa mong isip!”
    Nang mapansin ko ang pagba-vibrate ng cellphone sa sunod-sunod na tawag ni Eunice ay napilitan akong pagdesisyunang tapusin ang pakikipag-usap sa babae.
    Muli ko siyang hinarap, ibinagsak dito ang pinakananlilisik na mata. “Look here, woman, don’t you dare use an insanity plea on the court. Hindi ka nararapat sa mental hospital kahit pa malaki ang sayad mo sa utak, dapat kang mabulok sa kulungan.”
    Nang makalabas, dali-dali kong sinagot ang tawag. Pinili ko ang dumaan sa banyo ng detention hall para na rin maghanda sa pagbalik sa ospital.
    Isang matagal na paghangos mula sa kaibigan ang una kong narinig kaya ako na mismo ang naunang magsalita. “Bakit ka pa tumawag kung hindi ka magsasalita?”
    Wala pa rin akong narinig na sagot mula sa babae kaya nagsimula na akong mag-alala.
    “Eunice, anong nangyayari? Papunta pa lang ako, may ipabibili ka–”
    “Ivy. . . Ivy, si Azrael. Si Azrael. . . ang sabi ng doktor, naging kritikal daw ang lagay niya. His blood pressure drops, nagkaroon din ng changes sa breathing. . . his heartbeat. . .”
    Napaupo ako mismo sa sahig ng banyong iyon, deretsahang nanlambot ang tuhod dahil sa sobrang takot. “A-Anong. . . anong nangyari? Anong ginagawa ng mga doktor?”
    “D-Defibrillator. . .” mahina pa sa bulong na gagad ng kausap. “Please, magpunta ka na rito. Azi’s been crying–”
    Pinutol ko ang tawag pero hindi ako agad nakagalaw. Inuthsan ko ang sariling tumayo pero nanaig at takot at panginginig sa sistema ko bago naalala ang huling sinabi ng lalaki noong huli rin kaming nag-usap.

    “Mag-aantay ako ulit, Athena. Aantayin ka  namin ni Azi,” malinaw niyang gagad. “Kaya sana. . . sa amin ka bumalik. Sana ako—kami ang piliin mo.”

    Buong lakas kong pinili ang tumayo. Inuulit banggit ang pangalan ng lalaki sa isip.
    Hindi. Hindi siya pwedeng basta na lang tumakas at iwan kaming dalawa ni Azi.
    Hindi pwedeng kung kailan naman ako bumalik ay siya naman ang mawala.
    “You. . . you should wait for me,” sambit ko, umaasang maririnig ng lalaki. “Sorry kung pinag-antay kita nang matagal. . . sorry kung hindi man lang kita nayakap noong gabing iyon.”
    “Azrael. . . ‘wag.” Hindi ko na napigilan ang basta humagulgol, hindi ko na tuluyang mahagilap ang dinadaanan sa labis na panlalabo ng mga mata. “Please. . . please, ‘wag.”
  

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon