Isang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila.
Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay.
Sa pagdating ni...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Walo
"Sabi ko, anong ginagawa mo rito?" Napasinghap ako kaagad nang makakuha nang may kalasakang siko mula sa katabing si Nathan. "Sir," pinagdiinan ko iyon.
"Wala kang sakit?"
Hindi ko mahulaan sa lalaki kung anong ibang sabihin ng tanong na iyon. Is he guilty dahil siya ang may dahilan ng lahat ng ito o disappointed siya dahil wala akong sakit?
"Excuse me, Sir Cortez!" singit bigla ng babaeng kaibigan. "May sakit ho siya. Nagmadali lang siyang tumayo nu'ng nalamang nandito ka."
"Kaya. . . may mga kain pa siya sa bibig?"
Hiniling kong sana ay kainin na ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Nagawa ko mang kaagad na tumalikod sa lalaki at magpunas ng mukha ay napuno na ng tawanan ang bahay.
Yup, Mr. Cortez laughed, too.
"Tumatawa ka pala?" Hindi ko na pinansin ang matalim na pananalita. After all, wala naman kami sa trabaho, hindi ba?
Empleyado niya ako at boss ko siya kapag nasa loob kami ng AC Constructions o kahit saang site pero kapag wala ro'n ay magkapantay lang kaming dalawa-parehong mga mamamayan ng Pilipinas.
Patay-malisya ang lalaki at halos tawanan ko ito. Kaagad lang siyang nag-ayos ng ekspresyon sa mukha pagkatapos ay bumalik sa pagsusungit. "Mukhang wala ka namang sakit kaya mabuti pa ipagpatuloy mo na rito 'yung mga papeles na pinapaayos ko sa'yo kahapon. Got it?"
Parang may dumaang anghel sa paligid naming tatlong magkakaibigan. Wala sa amin ang kumibo at sabay-sabay na nagpakurap-kurap sa lalaki.
Pambihira! Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito!
Mabilis na nag-init ang mukha ko sa sobrang inis at paniguradong pulang-pula iyon sa harap ng lalaki. Tatlong beses akong nagbuntong-hininga para makapagpigil. "Papasok na lang po ako sa hapon, Sir. I'll finish-"
"No, you do it now. Dinala ko pa sa'yo 'yun mula sa opisina. We just have to get it from my car," blanko ang ekspresyon sa mukha nitong sabi.
Bakit pa ba ako nag-eexpect sa lalaking ito? Ano nga ulit 'yun? Baka bigyan kami ng pampaospital? Basura.
"Ah, Sir-" Pinigilan ko ang biglaang pagsasalita ni Nathan. Magsisimula pa lang siyang magtrabaho sa AC Construction kaya hindi ko muna isusugal ang kaibigan. Lalong-lalo na't sa akin naman ang problemang ito.
"Tara," sambit ko saka nauna na sa paglabas ng pinto.
Pagkalabas ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi man lang ba naisip ng lalaking ito ang kahihiyang pwede kong maramdaman dahil naroon ang mga kaibigan?
Patuloy akong nanahimik. Tutal alam kong wala rin namang patutunguhan ang pagmamaktol ko, mauubusan lang ako ng energy.
Talagang inunahan ko pa ang lalaki sa paglalakad para kaagad na makarating sa sasakyan nito't makuha ang mga papeles na kailangan kong isa-isahin at baktutin pabalik sa opisina kinabukasan.