Tatlumpu

2.3K 60 1
                                    

Tatlumpu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlumpu

Azrael Cortez

    Ako iyong tipo ng taong hindi mahilig magtanim ng sama ng loob sa kahit na kanino. I’ve been like this even on my childhood. Ni minsan, hindi nagtagal ang galit, ang inis ko sa kahit na sinong tao.

    Noon, ipinagmamalaki ko ito patungkol sa sarili. Hindi ba iyon naman kasi ang paulit-ulit na sinasabi ng mga matatanda—masama raw ang magtanim ng sama ng loob and that won’t make you happy.

    Pero ngayon, isinisisi ko na sa sarili ang lahat. It was the first time that I acknowledged kung ano talaga ang mayroon si Nicolo at si Athena. That time, I was scared. Hindi man lang ako napilitang sumugal sa takot na baka matalo.

    I must admit that I’ve been really insecure with Nicolo. Baka kasi mas siya sa akin—mas matalino, mas madiskarte, mas kaya makipagsabayan sa kahit na kanino at baka sa ‘mas’ na iyon ay iwan ako ni Athena.

    I wanted to break every bit of Nicolo’s bone. Gustong-gusto ko ang magalit, pero kapag naiisip ko kung paano naging kaibigan sa akin si Nicolo in the past, hindi ko pa rin natitiis.

    Sa isang buwang nagdaan, marami rin akong na-realize. I was really at ease to know that Athena is alive. Hindi nga lang namin siya nakakasama dahil ibinigay ko rito ang oras na alam kong gusto niya at walang kasiguraduhan ang pagbalik nito, masaya na akong buhay siya.

    Masaya ako dahil alam kong kahit ano pa man ang mangyari sa amin ay babalikan niya si Azi.

    Sa loob ng isang buwan, parang sinampal din ako ng kung ano ang totoo. Alam kong napakaraming masasakit na pangyayari ang pinagdaanan ang babae kaya naman inilalayo ko ang sarili sa pag-asa.

    Palagi kong nasa isip na di bale, hindi na bale kung hindi siya bumalik. Basta ang mahalaga, mabawi niya ang dalawang taon ng buhay na binawi sakanya ng mundo. Basta maging masaya lang siya at payapa.

    Basta bumalik siya kay Azi, at kahit hindi na sa akin.

    Ibinaba ko ang blinds ng opisina dahil tumatama na sa mata ang sikat ng araw. Palubog na ang araw at ilang minuto na lang ay uwian na naman.

    Naalala ko ang ipinangakong laruan kay Azi kaya siguradong gagabihin din ako sa pag-uwi habang ginagawa ang bagay na pinakaayaw kong gawin—ang maglibot sa isang department store.

    Unlike me, Athena has all the power about shopping. Simula iyan sa mga may discounts, sale, raffle tickets o kung ano-ano pa mang pakulo ng mga mall. Minsan ay tinatawanan ko na lang nga ito dahil sa sobrang pagtitipid.

    Pilit kong inihanda ang gamit sa pag-alis, hindi na naman nagiging maganda ang pakiramdam. Hindi katulad ng mga nakaraang araw, maluwag ang schedule ko kaya maliban sa mga gawain sa opisina, bihira na lang din akong makapunta sa mga sites.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon