Labing-isa

2.7K 87 4
                                        

Labing-isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Labing-isa

Azrael Cortez’ point of view

Pagkatapos ng dalawang taong paulit-ulit na pagpapabalik-balik sa lugar ni Dr. Stefan, akala ko matatapos na ang lahat. Akala ko, pagkatapos ng sandamakmak na session, at kung ano-anong programs na pinilit kong gawin, mawawala na rin ang takot at sakit pero hindi.

Babalik at babalik ako sa lalaki. Paulit-ulit ko pa ring ikukwento rito kung gaano kahirap ang bawat araw na mas pinahirap pa ng sitwasyon ngayon.

Ilang araw na rin ang nagugol ng babae sa trabaho at alam kong hindi iyon basta matitigil pero hindi ko pa rin alam kung ano ang pumasok sa isip para kaagad na tanggapin sa kompanya ang Irish na iyon.

Nicolo was right. Talagang nababaliw na ako dahil hindi ko rin maintindihan ang takbo ng isip. With her, I can do things that I didn’t expect to do.

I am that person who is very strict on everything. Kailangan lahat pulido, organisado, nakasabay sa plano. I don’t want to risk my time and effort for such things na alam kong una pa lang ay wala nang patutunguhan.

Well, at least, I know that about myself.

Alam ko ring wala na si Athena. Mahirap tanggapin ang naging resulta ng aksidente pati na ang paghahanap na tumagal din ng ilang buwan pero alam kong kasama na ni Athena ang mga magulang kung nasaan man sila ngayon.

It was the most painful phase of my life at hanggang ngayon ay para pa rin akong pinapatay sa sakit.

I was there, ako mismo ang nagplano ng hindi malilimutang seremonya para sa pamilya nila pero hinding-hindi ko pa rin malunok ang katotohanan. Ang hirap-hirap pa rin tanggapin na pagkatapos ng ilang taon naming pagsasama ay maiiwan ako nito sa dulo.

But when I got to see Irish Lorenzo’s face, pakiramdam ko ay nabigyan ako nang milyon-milyong rason para umasa. Dahil hindi ko matanggap na wala na ang babae, dahil hindi ko nagawang mahawakan ang bangkay niya ay inisip kong baka nariyan lang si Athena, na baka hindi niya lang ako magawang maalala at buhay siya. . . kahit pa napakaimposible noong mangyari.

“Nagkita tayong muli, Azrael,” bungad sa akin ng doktor nang magawa kong makapasok.

Nagpakurap-kurap pa akong sandali, para bang bigla akong nawala sa ayos at nagulat na nakarating na pala sa lugar.

Sa paglipas ng dalawang taon, walang pinagbago ang opisina ng lalaki. Ganoon na ganoon pa rin ang ayos ng mga gamit, maski puwesto ng mesa’t mga upuan.

“I clearly wished back then na sana hindi na tayo magkita,” pabiro ngunit may ibang kahulugan kong gagad.

“’Yan din ang hiling ko.” Iginiya ako ng lalaki patungo sa upuan at malawak na nginitian.

Ganito na ang naging buhay ko sa loob ng dalawang taon. Pabalik-balik, paulit-ulit na para bang hindi na mahihinto.

“You seem worn-out. May gumugulo ba sa’yo?”

Hindi ko agad pinansin ang tanong na iyon ng lalaki, bagkus ay mas hinayaan kong lumibot ang isip.

Pagbalik ni Athena ay magpapakasal na sana kami. Hindi namin iyon nagawa noong una dahil na rin sa mga kailangang asikasuhin sa trabaho at pamilya. The night before their flight para sa isang coronation night, I proposed to her. We actually had our promises to each other. Ipinangako ko noon na gagawin ko siyang mahalin habangbuhay. Ipinangako ko noon na mas aalagaan ko silang dalawa ni Azi.

I should’ve known better.

Sana hindi ko na lang siyang hinayaang umalis. Sana nagawa ko man lang siyang samahan. Sana nagawa kong hawakan ang mga kamay niya when she was cold, when she was scared and asking for help.

“Mr. Cortez—”

Agad akong natigilan, napatingin sa ngayong kaharap at sumagot, “There is this someone. . .“

Hindi ko alam kung paano ko itutuloy. I know that it might be the funniest thing that Dr. Stefan will hear throughout the day kaya nag-alangan akong magsalita.

Dumapo ang kamay ko sa bibig, hindi na napigilang kagat-kagatin ang daliri dahil sa pagkandaugaga.

Alam kong ilang pursyento ng tao sa mundo ay mayroong mga kamukha pero hindi ko maintindihan kung bakit mayroong maliit na boses sa isip ko ang nagsasabing siya ang matagal ko nang inaantay. Baka siya si Athena.

“. . . or maybe I was just overreacting.”

    “Tell me, Azrael. Alam mong hindi tayo makakagawa ng paraan if we are leaving other things behind.”

    Bagsak ang balikat at hindi pa rin ginugustong magsalita, inabot ko ang tsaang binigay ng doctor kani-kanina lang.

    “Alam kong hindi ka makikipagkita sa akin nang ganito kaaga if you are just overreacting.”

    “I’ve met someone who looks exactly like. . . Athena,” tapat kong sabi. Kita ko ang biglaang pag-ayos ni Dr. Stefan ng pag-upo. “I long for her. . . aminado ako ro’n. But something doesn’t feel right, Beau. Hindi niya lang basta kamukha si Athena. She talks like Athena, she walks like Athena, kahit ‘yung ngiti at tawa niya it was Athena’s.”

    Biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa iba’t ibang posibilidad na naiisip. “Paano kung buhay pa siya? Paano kung may nakakuha sakanya? Paano kung nakaligtas talaga siya? Na. . . kaya wala tayong nakuhang bangkay kasi buhay siya—”

    “Calm down, A.”

    Kung hindi pa ako papahintuin ng doctor sa pagsasalita, hindi ko pa malalamang marahas na nanginginig ang mga kamay ko’t hindi nagpapaawat ang aking mga luha sa pagragasa sa pisngi. Bahagya kong pinunas ang mga luha atsaka ibinalik muli ang mga daliri sa labi.

    “That’s possible, right?” gagad kong muli sa mas kalmadong boses.

    “You know I’ll never want to burst anyone’s bubble, A, right?” Napansadal ako sa inuupan, alam na kung saan mapupunta ang sasabihin ng kaharap. “But we were there. Ikaw, tayo mismo ang lumangoy sa kailaliman ng dagat para hanapin si Athena pati na ang mga magulang niya. Araw-araw, walang mintis kang bumabalik doon para lumangoy at maghanap.”

    “Pero,” pagdadahilan ko pa. “I know. . . that woman. . . . iyong mga kilos at ginagawa niya—”

    “They aren’t the same. Mahirap pero kailangan mong obserbahan at mas pansinin ang lahat. That woman, hindi siya si Athena. You must recognize their differences at hindi iyong mga bagay na sa tingin mong magkapareha. You need to accept that, that girl isn’t the woman you love.”

    I know what to do. Ms. Lorenzo and Athena can’t be the same woman. I knew Athena very well, more than anyone, kaya ako dapat ang mas nakakapansin ng pagkakaiba ng dalawa,

    Buong maghapon kong iniwasan ang babae, pinilit ding iwakli ng mga iniiisp. Even if I regret that I let her in at inatasang maging sekretarya ay wala na akong pwedeng magawa sa ngayon. Isa pa, I am not a kid. I should act as my age at kailangan kong panindigan ang kung ano man ang nagawa.

    Pero ganoon na lang ang tahip-tahip kong kaba nang magising mula sa magiang pag-idlip at nakita si Ms. Lorenzo na nasa harapan ko mismo, maliit ang distansya ng mga mukha naming dalawa.

    Kaagad na napatayo ang babae sa gulat nang makita akong dumilat. Hindi dapat ito ang nangyayari kaya gusto kong hugutin ang nagwawalang puso sa loob ko’t ipaghahampas.

    Sinakop nang pagkainis ang sistema ko. “Hindi ka ba talaga marunong makiramdam?”

    That’s right, Azrael. You should be like this. Mas okay kung magalit ka na lang, and you should never let you guard down. She isn’t Athena.

    Matagal ka nang iniwan ni Athena.

    “Mr. Cortez—”

    Tinigil ko ang pagsasalita ng babae, hindi handa sa kung ano pa mang paliwanag na lalabas sa bibig nito. “Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong gawin para tumigil ka. You’re gonna tell me you have your reasons on doing so? Do I seem to care about it? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para isipin mong wala akong pakealam sa kung ano man ang  ideyang mayro’n ka. You should atleast know your place.”

    I must admit that it was a bit too much. Simula kasi umaga ay wala na itong ibang ginagawa kundi ang magpunta sa opisina ko kahit pa sinasadya kong huwag itong tawagin at mag-utos. “Friends? Nonsense. I don’t need one. . . I don’t need anyone.”

    Pagkatapos noon, sinubukan ko nang patigilin ang sarili. Nang makita ko kasing biglang nanubig ang mata ng kaharap ay parang may humarang sa aking paghinga.

    “A-Anong ginawa ko sa’yo? Bakit ba palagi kang galit. . . sa akin?”

    She will never be Athena. Hinding-hindi ito ang babaeng mahal ko.

    She isn’t passionate about what she does, she isn’t kindhearted like my woman.

    “Because I hate you.,” tahasan kong gagad.

    “Why do you hate me?”

    Mula sa kinauupuan ay kita ko ang pagpatak ng iilang butil ng luha pababa sa pisngi nito at mas lalo lang akong kinakapos ng hininga dahil doon pero ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. “I hate you for trying so hard. . . to be like her. I hate you because you aren’t that good to seem like her.”

    Kita ko ang biglang pagyukom ng kamao ng babae at ang pagtalim ng mga titig. “I . . . I never want to be like her. Ayaw kong maging si Athena,” sambit nito bago tuluyang tumakbo palayo sa lugar na iyon.

    Kagaad akong nawala sa sarili aat tumayo, binalak na habulin ang babae nang matapakan ang isang balot ng chips na naroon sa sahig.


    “Hey! You’ll gain more weght kapag pinagpatuloy mo pa ang pagkain n’yan,” pag-aasar ko kay Athena nang minsang mahuli ko itong nagtatago sa isang taping ng commercial para kumain ng paborito nitong chips.

    “This is my fave, Love! Break na tayo kapag sinumbong mo ako,” natatawang sambit nito pagkataos ay naglabas pa ng dila para mang-asar.


    Nagpakurap-kurap ako sa hawak na chips ngayon, maigi kong inanalisa ang mga nasa isip. Pilit kong kinukumbinsing nagkataon lang ang lahat pero namalayan ko na lang na hingal na hingal kong tinatakbo ang hagdan pababa para mas mabilis maabutan ang kakaalis lang na babae.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon