Dalawampu't walo

2.1K 78 4
                                    

Dalawampu’t walo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampu’t walo

Athena Pelayo


        “Anak. . .” sambit nito na mas naging dahilan pa ng sakit at sunod-sunod na paghikbi ko. “Hindi ikaw si Ivy.”

    Ipinikit ko ang mga mata, inaantay kong makaramdam ng kung anong kuryente—kahit katitig, kahit sobrang hina. Ipinikit ko ang mga mata na labis rumaragasa ang mga luha sa pisngi.

    Takot na takot ako.

    Takot na takot akong malaman kung ano ba talaga ang totoo, at kung sino ako.

    Wala akong ibang nararamdaman.

    Kahit pa alam ko na ang totoo, umaasa pa rin akong masasaktan nang bahagya ang kamay dahil alam kong mas kaya ko iyong panghawakan pero hindi ang pagsakit ng sarili puso.

    Hindi ako si Ivy.

    Malinaw na malinaw kong nakita sa papel na iyon na may pangalang Iris Vienna ang totoo, because it isn’t just any paper.

    It is a death certificate.

    Ilang minuto ang nakalipas bago ako tuluyang hawakan ng babaeng sa dalawang taon ko ring itinuring na ina. Naaalala at malinaw na sa akin ang lahat.

    Ang mga magulang na nagawa akong kupkupin sa loob ng dalawang taon. . . sila ang totoong hindi ko kilala. Sila ang dapat na wala sa buhay ko.

    Ang mga magulang na nagawa kong mahalin higit na kanino man sa loob ng dalawang taon na iyon, sila rin pala ang dahilan ng lahat ng kalabuang nararamdaman sa ngayon.

    Kasinungalingan.

    Kasinungalingan lang ang lahat.

    Dahan-dahan, pinalis ko ang nanginginig na mga kamay na iyon at mariing tiningnan ang mga kaharap. I adore them. Mahal na mahal ko ang mga ito at sa dalawang taon na iyon at habangbuhay ata akong magpapasalamat.

    I lost my parents at that plane crash pero tinanggap nila ako nang buong-buo at inalagaan.

    “‘Nak, pakinggan mo muna ako–”

    “Hindi na po kailangan.” Dali-dali ko nang tinigil ang sinasabi ng babae. “Hindi po ako magagalit sainyo.”

    Dumapo ang mga kamay ng ina sa bibig para pigilan ang malalakas na mga hikbi. Niyakap naman ito ni tatay at paulit-ulit na pinakakalma.

    “Hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan niyo pa pong magsinungaling sa akin, pero magpapasalamat pa rin po ako sa lahat.” Hindi ko na rin napigilan ang pagluha. Tuloy-tuloy ang pagpunas ko sa mukhang sinasalanta ng mga luha. “For giving me a new identity. . . for giving me your daughter’s identity, for giving me a chance na maramdaman ‘yung pagmamahal ninyo, Nanay, Tatay.”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon