Labing-walo
Irish Vienna Lorenzo
Ilang beses pa akong nagpakurap-kurap para makumpirmang nasa ospital nga ako. I immediately cleared my throat, pagkatapos ilang segundo lang din ang lumipas nang makita kong dinungaw ako ng dalawang kaibigan.
“Ivy? Are you okay?” nag-aalala pa ring gagad ni Nathan. Hinintay lang nito ang pagtango ko bago dali-daling tinungo ang pinto para magtawag ng doktor.
“You’re okay, huh?”
Kay Eunice naman ako napabaling. Kung si Nathan ay may pag-aalala ang boses, nang marinig ang boses ng babaeng kaibigan ay kinailangan ko nang ihanda ang tainga para sa mahaba-habang sermon.
“Bakit ba kasi ang hiling mong ipahamak ang sarili mo?” dagdag pa ng kaibigan. Prente itong dumekwatro pagkatapos ay pinagkrus pa ang mga braso sa harap ng dibdib.
“Now, what? Did you find whatever you’re looking for? Nakumpirma mo ba ang gusto mong makumpirma?” Hindi pa rin natitigil ang kaibigan sa pagsasalita na siyang ikinangiti ko na lang.
I will be always grateful for them. Kung wala ang mga kaibigan, hindi ko alam kung saan na lang ako pupulutin sa Maynila.
“I’m sorry, Eu.” sabi ko na lang. Sinubukan kong maupo at mabilis niya naman akong tinulungan.
“Mag-iingat ka kasi palagi. Alam mo namang mahina ang puso mo, pa-stress ka pa nang pa-stress. Nag-aalala kaya kami sa’yo!”
Imbes na malungkot ay mas lalo lang akong nasiyahan. Masarap kasi sa pakiramdam na mayroong nariyan para pagsabihan ka at sermunan.
Mabilis ding dumating ang doktor. Tsinek nila ang pakiramdam ko’t nagbigay na rin ng mga paalala. Ayon dito, magbibigay siya ng go-signal sa pag-alis kapag nakuha na nila ang lahat ng resulta sa mga test. Ngayon ay kailangan ko raw muna ang magpahinga.
Kampante naman ako roon at walang pag-aalinlangang pumayag. Mukhang iyon naman kasi ang kailangan ko, ang magpahinga.
Kinagabihan, kailangan ko pang pilitin si Eunice para umuwi’t magpahinga. Kitang-kita na kasi ang eyebags nito’t mukhang hindi nakatulog kagabi sa pagbabantay. Mabuti na lang at pumayag ito sa tulong na lang din ni Nathan.
“Galing ka sa opisina?” pagtatanong ko kay Nathan. Inaayos nito ang iilang chips at prutas sa mesa. Kanina pa rin hindi mapakali ang lalaki at mukhang kinakabahan pa sa sitwasyon ko.
“Yes, some of them were asking about you. Pumasok ka na raw, malungkot daw si Mr. Cortez.”
Literal na napatigil ako sa paglalakad patungo sa mesa nang sabihin iyon ng lalaki bago ko ito tapunan nang matalim na titig.
“Joke lang naman,” seryosong sabi nito.
“Nagdyo-joke ka pa sa lagay na ‘yan?” sarkastiko kong sambit, nakataas ang kilay sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Wife
General FictionIsang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila. Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay. Sa pagdating ni...