Sampu
Nagpakurap-kurap si Mr. Cortez nang makita akong umagang-umaga ay nasa loob ng opisina niya.
Nang makauwi kagabi kasama ang mga kaibigan mula sa pagkain ay kaagad na pumasok sa isip ko ang lalaki.
I guess, he isn’t that bad afterall. Naisip kong baka kusa niyang inilalayo ang sarili sa tao dahil sa pagkamatay ng dating minamahal. Wala naman akong balak na kung ano. Napagtanto ko lang ang hirap na nararanasan ng lalaki. It must’ve been tough. Dumagdag pa ang pagkikita naming dalawa roon.
Hindi ko mapigilan ang maawa at mag-alala, at tuwing nangyayari iyon ay palagi kong ikinukumpara ang sarili sa lalaki. Paano kung sa akin naman mangyari ang bagay na iyon, paano kung ako naman ang mawalan ng mahal sa buhay?
“Kumusta, Sir?” Sinubukan kong mas pasiglahin ang boses sa pagtatanong, itinaas ang kamay na may hawak na isang baso ng kape mula sa may kasikatang coffee shop. Gagawin ko lang lahat para madamayan ito—katulad ng palaging sinasabi ni nanay.
‘Hindi lahat ng nakikita natin mula sa panlabas na anyo ng isang tao ay ang totoo nilang nararamdaman. Kung gusto natin sila maintindihan ay kailangan nating pasukin ang loob nito; ang mga rason at mga pinagdaanan.’
“What are you doing here?” tahasan nitong sabi’t nilagpasan lamang ako. Hindi nito pinansin ang kape pati na ang pilit kong mga ngiti.
“Ibabalik ko lang ho ‘yung ipinahiram ninyo kagabi,” pauna kong gagad bago ibinaba ang itim na card na iyon sa mesa ng lalaki. “Salamat po ulit. Bumili na rin po ako—”
“I’ll handle everything from here. Leave.”
Laglag talaga ang panga ko sa lalaking ito. Siya na ata ang pinaka-cold sa lahat ng cold!
Sira ang araw ko nang makalabas sa opisinang iyon. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa. Gusto kong sisihin ang sarili ko rito pero totoo namang nag-aalala ako sa lalaki.
Ngunit hindi ang eksenang iyon sa umaga ang nagpasuko sa aking suyu-suyuin at lapitan ang boss dahil hindi pa doon natapos ang aking mga pakulo. Dala ang iilang putaheng ipinaluto ko kay Nathan ay pangisi-ngisi akong bumalik sa opisina nito.
Inis at walang gana akong hinarap ng lalaki. “What now?”
“Naglunch na po ba kayo, Sir?” birada ko agad. Hindi ko lang ito kaagad na pinansin at nagpatuloy sa paglabas ng mga tupperware na dala.
Paniguradong pagtatawanan ako ng mga kaibigan kapag nakitang ginagawa ko ang mga bagay na ito para sa lalaki. Kahit ako, hindi rin magawang maintindihan.
But it feels like that I have all the rights to do this.
Maaaring dahil sa pagkaawa.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Wife
General FictionIsang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila. Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay. Sa pagdating ni...