Dalawampu't lima

2K 61 2
                                    

Dalawampu’t lima

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampu’t lima


    “You really look like her.”

    Mariin kong pinagmasdan ang babae. Kahit pa nakalayo na kami sa apartment ay prente pa rin itong nakatingin sa akin, inoobserbahan ang bawat kilos ko.

    Katakot-takot ang mga tingin ni Allison Cortez. Hindi ko magawang mabasa ang itsura nito, hindi ko tuloy alam kung ano marahil ang aasahan.

    Magkakrus ang binti nito habang maya’t maya ang pagsimsim sa tasa ng kapeng nasa harap.

    “Hindi po ako si Athena, Ma’am.” Inunahan ko na ito. Katulad ng lahat ng taong konektado kay Mr. Cortez na paulit-ulit sinasabi sa akin ang mga katagang iyan kaya hindi na rin ako nanibago. Hindi na rin ata ako mapapagod na ipakilala nang ipakilala ang sarili. “I am Irish Vienna–”

    “That’s why I find this very strange,” pagpuputol nito sa sinasabi ko.

    Nanatili ang mga titig ng ginang habang ako naman ang hindi mapakali mula sa kinauupuan. Hindi na rin ako umimik, umpisa pa lang kasi ay alam ko na ang marahil nitong patunguhan.

    “Sasabihin ko ulit ang mga salitang ito sa dalawang babaeng magkapareha ang mukha.”

    Nanatili ang ngiti sa mukha ng ginang, nagpabalik-balik ang tingin nito sa aking mukha, sa kapeng nasa harap pati na sa paligid.

    “Get lost,” matigas ang pagkakasabi roon ng ginang pero imbes na magpokus ako sa kung ano man ang pagbabanta ng babae ay nabigla ako sa nakasusulasok na sakit ng ulo.





    “Get lost.” Mahina ngunit may pwersa ang mga salitang lumabas sa bibig ng babaeng aking kaharap. Ilang beses na akong pinagbantaan pero ibang beses ko lang din iyong ipinagsawalang-bahala.

    “I can’t do that, Mrs. Cortez.” Nag-ayos ako nang pagkakaupo, inabot din ang isang baso ng kapeng naroon at tahimik na sumimsim.

    “Why? Ganyan ba talaga ang natutunan mo sa mga magulang mo–”

    Hindi na natapos ng ginang ang sinasabi dahil ang napakalamig na kapeng kanina’y sinisimsim ko lang ay yumakap sa buong mukha nito.

    Bahagyang napasigaw ang ginang ngunit mayamaya lang ay walang ano-ano rin ako nitong sinampal gamit ang sariling kape.

    Sa ilang minuto lang na lumipas ay pinagtinginan kami ng mga taong naroon, parehang basang-basa ang itaas na bahagi ng damit pati na ang mukha.

    Tahimik akong nagpasalamat dahil waterproof ang eyeliner na ginamit ko’t napigilan noon ang pagkalat sa aking mukha.

    “Ilang beses na kitang pinagsabihan pero kasing kitid ng utak mo ang sa nanay mo. Hindi talaga kayo titigil kakakapit. Hindi talaga kayo titigil hangga’t hindi ang mag-ama ko ang naaagaw ninyo sa akin–”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon