Tatlumpu't isa

2.1K 67 1
                                    

Tatlumpu't isaThird person

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tatlumpu't isa
Third person

    Malakas ang naging pagkalabog ng dibdib ni Athena nang mabasa niya ang text na iyon mula sa kaibigan. Pagkatapos kasi ng isang buwan ay ngayon lang nila piniling magkita-kita. Madalas lang silang makapag-usap sa telepono pero bukod doon ay talagang naubos ang isang buwan ng babae sa pag-iisip ng kung anong dapat na gawin.

    Hindi siya naniniwalang aksidente ang nangyari. Wala man silang makita ni anong ebidensya, hindi pa rin siya tinitigilang bagabagin ng mga naiisip.

    That day, napakaganda ng araw. Ilang beses pa ngang nagpasalamat ang ina ni Athena dahil paniguradong magiging smooth ang byahe nila. Idagdag mo pang ilang beses na tsinek ng piloto ang makina ng sasakyan.

    Hindi pa malinaw sa dalaga pero alam nitong sapat na ang isang buwan para makapag-isip-isip. Wala siyang mapapala kung tuluyan lang siyang magmumukmok sa kaduda-dudang pangyayari.

    Sa totoo lang, natatakot ito pero wala siyang ibang dapat na gawin kundi tatagan ang loob.

    May nag-aantay sakanyang pamilya, iyan lang palagi ang umiikot sa isip niya. Kailangan nitong mas maging matatag.

    Muli niyang kinuha ang cellphone nang makarating sa isang mall. Iyon na ang unang beses na nakalabas siya sa tinutuluyan.

    Noong mga nakaraang linggo kasi ay pinili nitong manatili sa Rizal, lugar kung saan wala siya ni isang kakilala.

    Hindi nito ginawang tawagan o kahit kumustahin sa isang mensahe ang mag-ama niya. Inisip niyang ito ang mas makabubuti. Hangga’t maaari ayvgusto nitong maayos muna nang tuluyan ang problema, mawala muna ang lahat ng pagdududa niya bago lapitan muli ang mga ito.

Eunice Monti
6:40 PM

Eunice
‘Wag ka nang pumasok
Sa parking lot tayo magkita

Athena
Alright. See u

    Sinunod nito ang sinabi ng kaibigan. Hindi na nga ito pumasok pa sa lugar at dumeretso na sa parking lot nito.

    Ang totoo, marami itong gustong ikwento kay Eunice. Siya ata ang pinaka-excited na makita ang kaibigan. Sa loob ng isang buwan ay napakatahimik ng buhay niya dahil na lang wala ang bibig ng babae.

    Eunice is her go-to friend. Aaminin niyang mas close niya ito kaysa kay Nathaniel pero pareha namang mabubuting kaibigan. Naiisip niya pa lang ang bulto ng babaeng papalapit sakanya ay hindi na nito mapigilan ang mapangisi.

    Nang bumungad sa parking lot ay dali-dali na niyang tinawagan si Eunice. She can’t help but to smile. Inuna talaga nito ang kitain ang kaibigan kaysa sa mag-ama, iniisip niyang makakatulong ang babae sakanya.

    Hindi makakapunta si Nathaniel dahil expected na rin nito ang pagiging busy sa trabaho. Kung hindi man makakapunta, ipinangako ng dalawang babaeng susugurin nila ito sa AC Constructions sa mga susunod na araw.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon