Dalawampu't siyam

2.1K 58 2
                                    

Dalawampu’t siyam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampu’t siyam

Third person

    Walang kabuhay-buhay na sinagot ni Eunice ang tawag mula kay Nathan. Lagpas alas singko na kaya papalabas na ito sa opisina. Dahil nga hiwalay ang babae sa mga kaibigan ay parang araw-araw rin siyang tinatapos ng trabaho sa sobrang pagod at buryo.

    Nami-miss niya iyong maghapon lang silang nagtatawanan, inaalis ang pagod dahil sa sunod-sunod na rejection na nakukuha. She was used to it, kaya naman kahit dapat na niyang ipagpasalamat ang pagiging employed, hindi niya pa ring maiwasang mainis at maburyo.

    “Ano na naman?” naiinis nitong bungad sa kaibigan kahit pa ang totoo, nakagagaan sa pakiramdam ng dalaga ang may makausap. “Miss mo ako agad?”

    Hindi kaagad nakapagsalita si Nathaniel. Lingid sa kaalamanan ng babae, aligaga’t takot na takot ito dahil sa nadatnan.

    Wala ni anino kasi ng kaibigang si Ivy ang nakita ni Nathaniel nang makarating sa bahay. Mas lalo pa siyang kinabahan nang makitang nakaayos ang iilang mga gamit nito at wala ng lamang damit ang sariling drawer ng babaeng naroon.

    Nagawang bumalik ni Ivy kagabi sa apartment. Bakas pa sa mukha ng babae ang matagal-tagal na pag-iyak dahil sa pamamagang mata.

    Maayos siyang inalagaan ng mga kaibigan, hinayaan muna nila itong mag-isa at nang maging malinaw na ang lahat ay ipinaalam din ng dalaga sa mga kaibigan ang totoo.

    Iyon nga ang ikinatatakot ni Nathan. Ngayong malaki pala ang koneksyon niya kay Mr. Cortez ay hindi nito alam kung ano ang susunod na maging kilos ng babae. Kung totoo ang hinuha niya’t umalis ito, saan naman kaya ito marahil magpupunta?

    “Hoy!” Pilit na pinupukaw ni Eunice ang stensyon niya. Matagal-tagal din itong natahimik. “Anong problema mo?”

    Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Ivy—iyon pa rin ang tawag nila sa kaibigan dahil na rin sa nasanay ang mga ito, pero nananatiling naka-off ang cellphone nito.

    “I think. . . I think Ivy left.” Mahina ang pagkakasabi noon ni Nathan. Hindi siya sigurado pero kanina pa umiikot ang mga salitang iyon sa isip niya.

    “Ha?” Hindi kaagad pumasok sa isip ni Eunice ang sinabi ng lalaking kaibigan. Distracted kasi ang mga mata nito sa pag-aabang ng kung anong maaaring sakyan pauwi. Ganoon na lang ang gulat nito nang mapagnilayan ang binanggit ni Nathan. “Umalis si Ivy? Saan? Bakit?”

    “Iniisip ko lang, Eu. Masyadong malinis ang bahay, limas na rin ‘yung mga damit niya kaya–”

    “Tangina. . .” Hindi na niya napigilan ang bibig. “Nakita mo ba ‘yung Azrael na ‘yun? Baka hindi umalis si Ivy. Baka kinuha ng gagong ‘yun ‘yung kaibigan natin.”

    Nagmamadali siyang nagpalinga-linga sa daan, kamalasan na nitong maituturing na walang humihintong taxi o kahit na anong pampublikong sasakyan sa lugar.

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon