Dalawampu't tatlo
Triple-tripleng kaba ang ibinungad ko sa panibagong umaga. Ilang beses ko na kasing tinapalan ang namamaga kong mga mata ng pressed powder na dinala pero hindi pa rin noon natatapalan nang maayos ang namamaga kong mga mata.
Hindi ako pinatulog nang sunod-sunod na mga luha kagabi. Hindi ko alam ang eksaktong rason o puno't dulo ng pag-iyak basta nanatili ako sa sulok ng kwarto at doon inilabas ang lahat. I cried my heart out. Magdamag akong umiyak nang umiyak kahit hindi ko alam ang dahilan.
"Naniniwala pa rin akong ikaw si Athena. She promised us, nangako siyang hindi niya kami iiwan ni Azi kaya hindi rin ako titigil sa pag-asa."
Ang puting pencil-cut skirt at ang simpleng itim na turtle neck too na papatungan ko na lang ng coat ang aking suot, malayo na iyon sa pagiging elegante suot ang cocktail dress sana kahapon.
Matagal lang akong nakatitig full-body mirror na naroon at tinatatansya ang ayos nang marinig ang mahinang pagkatok sa pinto.
Dali-dali ko ulit iyong binuksan at bumungad ang boss.
"What happened?" panimula nang lalaki nang makita ako. "Bakit ganyan ang mata mo?"
Bumagsak na lang ang balikat ko kaya tuluyan kong naibukas ang pinto. I guess Mr. Cortez misunderstood that action kaya pumasok ito bigla.
Marahan itong humanap ng upuan at doon nanatili bago iabot sa akin ang hawak na paper bag.
"I didn't had a chance to prepare your clothes. Biglaan, pero babagay naman 'yan sa'yo," sabi niya pa.
Nag-aalangan man, dali-dali ko itong nilapitan at kinuha ang paper bag. Bumungad sa akin ang isang puting bodycon dress kaya naging malaki ang ngisi ko.
"Hindi na ho ako mahihiya, ha? Papalitan ko na po 'yung damit ko. Baka ma-late pa tayo."
Bumalik sa paghalakhak ang lalaki, pagkatapos ay nagpaalam itong babalik sa kwarto't nagbilin na sa lobby ng hotel na lang kami muling magkita.
Naremedyuhan ko ang namamagang mata sa panonood ng kung ano-anong hacks sa YouTube. Nang bumaba ako ay talagang naibalik ko ang confidence. Taas-noo kong binati ang iilang staff ng hotel lalong-lalo na ang boss nang dumating ito sa lobby.
Bagsak na bagsak ang nakalugay kong buhok dahil na rin sa hair straightener na ipinadala sa akin ni Eunice. Luma na ang stiletto pero nakasabay pa rin naman ito sa pagiging elegante ng damit.
"Good morning, Sir," bati ko sa lalaking kadarating lang.
Hindi naiwasan ng lalaki ang mapatingin sa akin mula ulo hanggang sa paa. Tahimik nitong inobserbahan ang kabuuan kong suot.
"You're too beautiful," tahasang sabi ng lalaki.
Hindi ko agad nalaman kung compliment ba iyon dahil nagmistula itong galit. Napailing-iling na lang ako at natawa.
Of course, I am beautiful for him. Kamukha ko ang fianceé nito.
Sosyal pa sa sosyal ang lugar kung saan namin imi-meet ang Cebuano investors. Hindi ako makapaniwala at hindi ko inasahang makakarating ako sa ganitong mga lugar.
Hindi rin natapos ang pamamangha ko nang tuluyan naming makaharap ang isang ginang na kumikinang dahil sa napakagandang mukha at ayos. Sa tabi ng babae ay naroon naman ang asawa nitong marahan siyang iginigiya sa bawat pagkilos. Both of them were in their early 50s, at mukhang napili ang AC Constructions bilang business. Balak din nilang ituloy ang pag-i-invest kung ang AC Constructions mismo ang magli-lead sa rest house na balak nilang ipatayo dito rin sa Cebu.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Wife
Genel KurguIsang probinsyanang mataas ang pangarap sa magulang ang tingin ni Ivy sa sarili. Hindi niya nagawang makatapos ng pag-aaral pero malakas amg loob na makikipagsapalaran sa Maynila. Simpleng babaeng may simpleng pangarap at pamumuhay. Sa pagdating ni...