Dalawampu't pito

2K 68 5
                                    

Dalawampu’t pito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampu’t pito

Azrael Cortez

    Marahan kong ibinagsak ang sarili nang makaupo sa sasakyang ginamit ni Nicolo. Tatlumpung minuto na ang nakalipas simula noong umalis si Ivy—Athena bago ito dumating.

    Hinilot-hilot ko pa ang iilang parte ng katawang nilagyan ng pain-relieve patches bago tuluyang balingan ang kaibigan.

    “Tell me,” deretsahang sabi ko pa. “Sabihin mo lahat-lahat, Nicolo. Ayaw kong may hindi malaman ni isa.”

    Katulad ng inasahan, hindi ako pinansin ng kaibigan at nagtuloy-tuloy sa pagmamaneho. Few days ago, I told him to start investigating. Alam kong may mali at alam kong nasa tabi ko lang si Athena the whole time. I just need an evidence, a proof. Gusto ko lang ng pruwebang makakapagpatunay na totoo ang sinasabi ko’t hindi ako bastang nababaliw lang.

    Hindi na ako nangulit pa at hinayaan ang kaibigan hanggang sa huminto ito sa tapat ng AC Constructions. Alam ko ang gusto nito, kahit pa man atat na atat n rin akong malaman ay kailangang pumili pa rin kami nang mas maayos na lugar.

    We can’t just let the public know. Kilalang tao si Athena kaya naman paniguradong magigimbal ang karamihan kapag nalamang buhay ito.

    Matapang ang mukha ko nang muling hinarap ang kaibigan. Prente na ang pagkakaupo niya sa upuang katapat ng mesa sa opisina.

    “Nicolo–”

    Walang kabuhay-buhay na inihagis ni Nicolo ang iilang mga envelope sa mesa. Hindi na ako nanibago sa ugali ng gagong ito, sa halip ay mas ipinokus ko ang atensyon sa iilang mga papel na naroon.

    Unang envelope pa lang ay nagimbal na ang sistema ko. Mariin ko itong tiningnan na parang hindi man lang magawang makapaniwala pagkatapos ay binalingan si Nicolo.

    Tumayo ang loko’t lumapit, umupo sa ibaba ng mesa. “Irish Vienna Lorenzo. . . she’s dead.”

    I just needed his confirmation. Malinaw na death certificate ng babae ang nakikita ko rito pero ayaw ko itong aminin sa sarili.


    “And I have Hypertrophic cardiomyopathy.”
   
    “Ayaw nang pag-usapan nila nanay, alam ko natatakot sila. Pero usually, this is an inherited condition. Namana ko raw ito kay tatay. It is Hypertrophic cardiomyopathy if the walls of the heart muscle thicken. Sa nabasa ko, also sa mga sinabi rin ng mga doktor na nakausap ko, this can disrupt the heart's electrical system, leading to fast or irregular heartbeats na mostly pwedeng-pwede magcause ng sudden cardiac death.”

    “Sir, Hypertrophic cardiomyopathy is not a curable disease.”




    “Biglaan ang pagkamatay ni Miss Lorenzo, it was a sudden cardiac arrest kaya ipagpalagay nating hindi matanggap ng mga magulang ang pagkawala ng babae, that’s why–”

The Mistaken WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon